Marikit

Marikit
Masdan mo ang aking karikitan

Thursday, June 30, 2011

Isang Taon ni Pnoy:Aprub ba sa mga Pinoy?

“I told you before: you are my strength – the strength that comes from the successes that we are reaping now and the upcoming fulfillment of what we have been dreaming of. This will never change: you are still my boss” - PNoy
Ipinagdiwang kahapon ang ika-isang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino Jr. sa PhilSports Arena sa lungsod ng Pasig. Ayon sa Pangulo ngayon ay nagsisimula na tayong umani dahil sa mahusay na pamamahala o sa tinatawag niyang “Daang Matuwid”,tunay nga ba?
Sa pagtapak ng Pangulo sa unang anibersaryo ng panunungkulan ay ini¬lunsad nito ang “Pilipinas Natin” campaign na kinapapalooban ng Philippine Development Plan (PDP) para sa taong 2011-2016. Layunin nito na paigtingin ang Private-Public Partnership sa ating bansa.
Ang PDP ay batay sa social contract sa taumbayan na nagsisilbing kanyang campaign platform at nagpapatibay ng kanyang pag-upo bilang Pangulo ng ating bansa at maitaguyod ang inaasam na pagbabago ng taumbayan.
Isa rin itong road map at comprehensive program of action na binuo makaraan ang malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa mga stakeholders para ang mga hangarin at pangarap ng mga Filipino ay maabot at matupad.
Sa nasabing pagdiriwang, dinaluhan ito ng kanyang mga kaalyado at supporters ng administrasyon particular ang sektor ng mga kabataan. Nangako rin siya na bago matapos ang taong 2013, ang Pilipinas ay hindi na mag-aangkat ng bigas sa ibang bansa. Magkakaloob din ng 4,000 pabahay sa mga sundalo at pulis sa mga susunod na araw at isang seremonya ang gaganapin dahil umabot na sa 2 milyon ang beneficiaries ng programang “Pantawid Pamilya” ng kanyang administrasyon.
“Kailangang magtulu¬ngan, alam ko ang pinanggalingan ninyo. Ako man ay nangangarap na bukas ay magigising na may solusyon na. Pero walang mabilisan, ang kailangan ay mainam, at pangmatagalan. Gusto ko nga po ay tumulin nang tumulin ang pagbabago,” ani Aquino sa kanyang talumpati
Kaya hinihikayat ni PNoy ang buong sambayanang Pilipino na makipatulungan at suportahan ang kanyang mga programa at adhikain dahil hindi niya kayang mag-isa, hindi magiging matagumpay ang kanyang mga plano kung walang taong tutulong at makikiisa. Hindi magiging matagumpay ang kanyang mga reporma kung ang mga empleyado ng gobyerno at ang sambayanan ay magwawalang bahala at kulang ang suporta sa kabuuan.
Samantala, naging sentro rin ng pagdiriwang at naging bida sa kanyang seremonya si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo na minaliit at inalipusta ang kanyang liderato nitong mga nagdaaang araw.
“Ito ay mga minana lang po natin mula kay Gng. Arroyo... ang sistemang nilapastangan. Magpapaloko pa ba tayo? Hindi na ako magsasayang ng panahon, hindi na ako makikipagba¬ngayan. Sabi niya magkaiba po kami, sa wakas, nagkasundo po kami, talagang magkabaligtad po kami… Hindi ko po kayo masisisi na dumaan kayo sa isang dekada ng katiwalian,” ilan sa mga banat ni Aquino kay Arroyo.
Muli rin nitong ipi¬namukha ang record-breaking na utang ng bansa na ipinamana sa kanya ng Arroyo administration at ang mga kuwestiyonableng sistema at paglabas ng pondo sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng National Food Authority, Philippine Charity Sweepstakes Office at iba pa.
Ininda rin ni Aquino ang walang-habas umano na pagbakbak sa kanya ng kanyang mga kritiko sa pagbibirong sana ay naging “manananggal” na lamang siya para mahati ang katawan at mapagbigyan ang “sala sa init-sala sa lamig” na trip ng mga ito.
Ang Administrasyong Aquino ay taas-noong nagmamalaki na mataas ang porsiyento ng kanilang natitipid sa paggasta at ang mahigpit na pamamalakad sa lahat ng aspeto. Ngayon na ang panahon para isiwalat at ilantad sa publiko ang mga iregularidad at bulok na mga opisyal sa pamahalaan dahil ito ang magiging susi para mas makalikom at makatipid dahil mawawala na ang mga kurakot at ganid na opisyal. Sa ganitong paraan, ang pamahalaan ay magagawang i-save ang pera at mag-ukol ang mga ito sa panlipunan proyekto.
Nawa’y maging matagumpay ang lahat ng plano at kampanya ni PNoy para sa ating bansa. Kaisa mo ako sa iyong layunin at alam ko na ang lahat ng ito’y hindi maisasakatuparan kung walang basbas n gating Maykapal. Sama-sama tayo mga kababayan ko at ating tulungan maiangat ang ekonomiya ng ating bansa sa tulong ni PNoy- an gating Pangulo. Mabuhay ka PNoy!
allvoices

Wednesday, June 29, 2011

BLIND ITEM: SENADOR, MAHILIG MAG-HIDE N’ SEEK SA MEDIA, NATUTULOG PALA!

Kung sa larong ‘hide and seek’ lang ang pag-uusapan, wala ng tatalo sa isang senador na talaga naming mahusay sa taguan.
Imbiyernang-imbiyerna na ang mga taga-media dahil hirap na hirap na silang ma-interview ang naturang senador lalo pa’t kailangan ang kanyang panig. Ang siste mo pa, natutulog lang pala ito sa kanyang opisina.
Ayon sa ating bubuyog, malimit na sasabihin ng mga staff na wala ang naturang senador sa kanyang opisina subalit makikita na labas-pasok ang kanyang mga bisita.
Dahil nag-iinarte ang naturang senador, madalas siyang binoboykot ng mga Senate media dahil sa ginawang pagtatago nito sa kanila.
At kung interbyuhin man siya ng mga reporters, eh wala ring makuhang magandang quote sa kanya dahil masyadong mababa ang kanyang mga opinyon.

Pintahan n’yo na: Maganda ang komiteng hinahawakan nito sa Senado pero hilaw pa sa pag-preside ng mga pagdinig. May letrang F ito sa kanyang pangalan.

allvoices

A Tribute to a People’s Princess

I'd like people to think of me as someone who care about them,” one of my favorite lines from Princess Diana, one of the most adored members of the British royal family.
She was born on July 1, 1961 and this would be her golden birthday today if the accident didn’t happen last August 31, 1997. She was the daughter of Edward John Spencer and Frances Ruth Burke. Although she was known for her shyness growing up, she showed interest in music and dancing. She had a great fondness for children and may be the reason why she becomes a kindergarten teacher at the Young England School after she finished her degree.
She was no stranger to the British royal family, having acquainted with Prince Andrew and Prince Edward during their childhood years when her family rented Park House, an estate owned by Queen Elizabeth II. She became reacquainted with their older brother, Prince Charles in 1977 who was 13 years her senior.
As heir to the British throne, Prince Charles had been the subject of the media attention that even his courtship to Diana was no exception. The press and the public were fascinated by this seemingly odd couple — the reserved, garden-loving prince and the shy young woman with an interest in fashion and popular culture. When the couple married on July 29, 1981, the ceremony was broadcast on television around the world, with millions of people tuning in to see what many considered to be the wedding of the century.
They were blessed with two children, on June 21, 1982, Prince William Arthur Philip Louis was born and he was joined by his brother, Prince Henry Charles Albert David on September 15, 1984. Committed to perform both her responsibilities to her family and royal duties, she was overwhelmed by the intense media coverage of every aspect of her life. She also began to develop and pursue her own interests. She supported a lot of charitable institutions and worked to help the homeless, people with HIV/AIDS and most especially children in need, either victim of abuse, poor nutrition and poverty.
Unfortunately, the fairy tale wedding of Princess Diana and Prince Charles did not lead to a happily-ever-after marriage. The two became estranged over the years, and there were reports of infidelities from both parties. During their union, Diana struggled with depression and bulimia. The couple's separation was announced in December 1992 and the divorce was finalized in 1996.
Even after the divorce, she maintained her level of popularity. She devoted her life to her sons, continued helping charitable institutions and begins the battle against the use of land mines. She even uses her popularity to increase the awareness about this issue. As she continues doing noble things, negative aspects of her fame also increases. Her romance with Dodi Al-Fayed made a great impact and created media frenzy. The car accident happen in 1997 in Paris was an escape from the paparazzi. The role of the media especially the paparazzi was scrutinized in this tragedy. She initially survived the crash but later succumbed to her injuries a few hours later.
News of her sudden, senseless death shocked the world. Thousands turned out to pay tribute to the "people's princess" during her funeral procession. The funeral was held at Westminster Abbey, which was broadcast on television. I was watching that day and I can’t help myself but cry. She’s a gem, a priceless treasure that inspired a lot of people. What she did to us is unremarkable and it will remain in our hearts. The good thing with her sons, they established after her death is a foundation – Diana, Princess of Wales Memorial Fund, it provides grants to numerous organizations and supports initiatives to provide care to sick in Africa, help refugees, and stop the use of land mines.
I hope her story would inspire others, especially those working in the government to uplift the life of poor and sick. If Princess Diana made it, we could also do it. We should understand people’s suffering and pain more than ourselves. We should only do what our heart tells, just like Princess Diana.
To you our People Princess, Happy 50th Birthday!
allvoices

Tuesday, June 28, 2011

Jose Antonio Vargas: SINNER OR SAINT?


“Being ambitious isn’t about loving what you do. That’s passion. Ambition is never having it be good enough.”
There’s a question that lingers in my mind, did Jose Antonio Vargas, our “kababayan” from US of A made us proud after winning together with his team the Pulitzer award?
After reading his story, I know from the bottom of my heart that I’m proud of him. What he is right now is a product of blood and sweat plus prayers of course. What he is right now is someone that would inspire anybody to pursue his dream. What he is right now is something that the gay community would be proud of.
He grew up with his family in the busy streets in San Francisco Bay area, and he was 16 years old when he knew he was an illegal immigrant when he’s applying for a driver’s license and he’s green card was fake. But that didn’t stop him from pursuing his dream. He believe that if he will work and study harder and tell to the world he has all the reason to stay in America – he will be rewarded a citizenship.
With the help of friends and family he was able to work as a reporter to various companies and at the same finish schooling with flying colors. Although happy, he’s still constantly looking over his shoulder, afraid his status as an illegal immigrant will be discovered. What I admire of him is that he’s a strong and well-focused man. Aside from his citizenship, there’s another secret he kept for many years – his sexuality. He had known he was gay for several years but coming out seemed less daunting than coming out about his legal status. He was also inspired by the movie “Milk,” starred by Sean Penn, who portrays Harvey Milk, an openly gay San Francisco city official who was assassinated.
After a thorough self-analysis, he decided to come out, both his sexuality and his legal status. With the help of network of support and friends, he started to work with immigration lawyers. But despite having helped from his friends and mentors, and despite the success he had achieved, he felt that he could no longer keep going on with his lies.
"I learned that no amount of professional success would solve my problem or ease the sense of loss and displacement I felt."
He shared his story to a group called Dream ACT- Development, Relief and Education for Alien Minors, to encourage support. This is a bill that will allow youth to apply for permanent legal residency. He has also founded Define American, an organization that aims to bring "new voices into the immigration conversation." Define American encourages dialogue about the American immigration system, which, it says, needs fixing.He said that there are millions of people in the US who were just like him.
"We don't just mow your lawn, we don't just serve you tacos, but we do other things, and we are a part of this society.”
"In my heart, I am an American," he said.



allvoices

“BAGYONG GLORING”


Ang buwan ng Hunyo ang hudyat ng muling pagbubukas ng klase at kasabay nito ang pagbuhos ng bagyo. Tulad ng tropical na klima ng Pilipinas, ito ang buwan ng pagdagsa ng malalakas na bagyo.
“Gloring”- mula sa dalawang pangalan, Gloria at Manoling isang bagyong namumuo na tatama ng napakalakas sa Pilipinas kung hindi maagapan tiyak na masisira ng tuluyan ang ekonomiya ng ating bansa. Isang napakalakas na bagyong may bilis na di kayang sukatin at may pabugso-bugsong talsik ng mga maling impormasyon na tila kalawang na sisira sa lehislatura at hudikatura ng ating bansa.
Nitong mga nakalipas na mga araw muling umalingasaw ang mga nakatagong lihim sa dating pamunuan ng PCSO. Ngunit bago pa man ito nangyari, nagsalita at binatikos ni dating Pangulong Arroyo ang kasalukuyang administrasyon. Noong Huwebes, nagpa-press conference si Arroyo. Yan ang unang-una niyang press conference mula nang bumaba siya sa Malacañang, mag-isang taon na ang nakalipas. Sa Kongreso kung saan kinatawan siya ng pangalawang distrito ng Pampanga, mailap siya sa media. Makikita mo sa TV, taas noo na parang emperatris yan kapag pumasok sa session hall. Ayun sa mga report, nagbabala daw si Arroyo sa mga panganib sa ekonomiya dahil sa palpak na pamamahala ni Aquino ng bayan. Ginamit niya ang sinabi ng isang columnist tungkol kay Aquino: “nobody’s home.”
Alam naman natin na ang “nobody’s home” ay sinasabi sa isang taong bobo.
Ikinumpara niya ang pagkakaiba ng Pilipinas noon at ngayon base sa kani-kanilang pamamalakad. Ngunit ang malaking katanungan dito, ano ba ang buhay natin noon? Hindi ba’t nalugmok ang ating ekonomiya at pamumuhay noong kanyang administrasyon. Ang kriminalidad at kurapsyon sa ating gobyerno ay lumobo tulad ng paglobo ng ating populasyon.
Kaalinsabay nito, muli naman nagsalita si Ka Manoling ng masangkot siya sa mga anomalya sa PCSO na nangyari noong administrasyong Arroyo at siya ang kasalukuyang namamahala ng ahensiya noon. Hindi kakikitaan ng tapang at sinseridad ang kanyang mga paliwanag bagkus takot at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Mariin niyang tinatanggi ang mga bintang sa kanya at ayaw na niyang magpaliwanag pa. Ang gusto niyang mangyari ay magharap sa korte para maging pormal at legal ang lahat na siya naman ginagawa ngayon ni Margie Juico sapagkat sasampahan ng kaso ang mga tiwaling opisyal ng PCSO na naging dahilan kung bakit umakyat ng P4 bilyon ang pagkakautang ng ahensya. Ayon sa report ng Inquirer, sinabi ni PCSO chairperson Margaria Juico, na umaabot sa P4 na bil¬yon ang utang ng ahensya na akala natin ay lumalangoy sa pera. Ang malaki raw na pinagkakagastusan ng PCSO nang panahon ni Arroyo ay mga anunsyo.
Wala namang kumpetensya ang PCSO, bakit malaki ang budget sa anunsyo?
Hindi na nakapagtataka kung bakit kahit anong pandaraya, kurakutan at pagbaluktot ng batas na ginawa ni Gloria Arroyo, mabango pa rin siya sa ibang miyembo ng media, suportado siya ng ilang obispo at hindi natitinag ang suporta ng ilang congressman. Busog pala sila ng pera galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Busog sila sa pera ng taumbayan at para sana sa mahihirap nating kababayan.
Gusto ko sanang liwanagin na ang PCSO ay itinatag upang makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan nating kababayan na hindi kayang magpagamot at magpaopera. Ito rin ay tumutulong sa mga programa ng gobyerno para sa edukasyon at nutrisyon ng mga kabataan. Ayun sa charter ng PCSO, 55 na porsiyento ng kanilang kita na umabot ng P29.5 bilyon noong isang taon, ay dapat ilalaan sa mga premyo. Ang 30 porsiyento ay sa charity o kawang-gaw at 15 porsiyento ay sa operating funds.
Ayon sa ating bubuyog, pagkatapos maubos ang operational expenses ng PCSO board noong panahon ni Arroyo ay nagamit at nawaldas pati ang charity funds na may alam ako na may mga medyo may kaya na nakakuha ng assistance sa PCSO dahil kilala nila ang mga opisyal doon noong panahon ni Arroyo. Kung mahirap ka at wala kang kakilala, talagang mamumuti ang mata mo roon sa kakapila.

Sabi ni Juico, sa public relations lang umabot sa P1 bilyon ang ginastos ng PCSO samantalang P900 milyon lang ang limit sa PR expenses. Ang isa sa kanilang pinagkagastusan ay ang P1.5 bilyon na kontrata ni Carlo J. Caparas na kailangan daw bayaran ng PCSO dahil kinampihan si Caparas ng Office of the Govern¬ment Corporate Counsel. Itong si Caparas ang ginawa ni Arroyo na National Artist for Film and Visual Arts na pinagpuprotesta ng mga nasa pelikula at sining dahil hindi naman kahanga-hanga ang kanyang mga pelikula.

Maliban sa media, ma¬raming mga pari rin daw ang nabigyan ng mga donasyon at Pajero. Busog din ang mga congressman na dikit kay Arroyo katulad ni Quezon Rep. Danilo Suarez na nakatanggap ng P53 milyon para raw sa ospital sa Quezon. Sabi ni Suarez binigay raw niya ang pera sa ospital. Bakit dinaan sa kanya? Bakit hindi dineretso sa ospital?Si Suarez ang umamin na siya ang nagbayad sa kinain nila sa Le Cirque, ang mahal na restaurant sa New York kung saan dinala ni Arroyo ang Philippine delegation nang nakipagkita siya kay President Obama.

Kung ating susuriin ang ating mga bida sa blog kong ito, iisa lang ang ating konklusyon- Sila ang mga taong nagkamal ng salapi, Sila ang mahilig magkuwestiyon at magparatang,Sila ang tingin sa sarili’y PANGINOON. Huwag natin kalimutan ang kasabihang, “Bago mo salaminin at pahirin ang putik ng iba, harapin mo muna at saliminin ang sarili mong putik, ” at ang pamosong linya ng ating Panginoong Hesus, “ Kung sino man sa inyo ang walang bahid dungis o putik, siya ang unang mamukol ng bato sa babaeng makasalanan”. Ang pulitika ay sadyang marumi at mapaglaro. Isang tukso na ultimo ang Simbahang Katoliko ay nadedemonyong magtampisaw at makisalo. Ang buhay na binigay sa atin ng Maykapal ay pinahiram lamang, sana maging makabuluhan at kapaki-pakinabang hindi lamang sa ating sarili at pamilya bagkus sa ating kapwa, kababayan lalo na sa ating Inang Bayan.






allvoices

Monday, June 27, 2011

SMOKING killed the President’s Daughter…

Nagulat at nabigla ang samabayanang Pilipinas sa biglaang pagkamatay ng pangalawang anak ni dating Pangulong FVR (Fidel V. Ramos) na si Josephine “Jo Martinez Ramos sa sakit na Lung Cancer noong lunes, Hunyo 27, sa ganap na ala-una ng madaling-araw sa The Medical City sa lungsod ng Pasig.. Ayon sa balita, inilihim diumano ni Jo ang kanyang tunay na karamdaman sa kanyang pamilya kaya huli na ang lahat at humantong sa kanyang kamatayan. Inakala ni FVR na isang simpleng asthma lang ang sakit ng anak, dumaan pa diumano sa isang maselang operasyon ngunit hindi ito naging matagumpay.

Ipinanganak si Jo noong Enero 18, 1957, pangalawa sa limang anak nina dating Pangulong FVR at Ming Ramos. Musika at Isports ang kanyang nakahiligan, nag-aral siya sa U.P. College of Fine Arts at sumali sa iba’t ibang workshops sa sayaw at musika sa Estados Unidos. Dati siyang back-up singer ni Gary V. at Mon Faustino, nakapagtangghal na rin siya sa iba’t ibang lugar dito at sa ibang bansa. Miyembro siya ng RP Ladies National Water Skiing Team na nagkamit ng mga medalya at karangalan para sa ating bansa noong dekada ’70.

Ikinasal si Jo sa aktor na si Lloyd Samartino noong 1993 at nagtagal lamang ng isang taon ang kanilang pagsasama at biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na disisyete anyos na ngayon. Nagmana sa kanyang ina, mahilig din sa musika at isports ang binatilyo na nasa huling taon na sa high school.
Unang nagpaabot ng kanyang pakikiramay ay ang ating Pangulong PNoy na lubos na nanghihinayang sa kung ano pa mga magagawa ni Jo para sa ikauunlad ng ating sining at kultura.
“Ms. Ramos’ love for, and accomplishments, in music, was testimony to the mus“ical passion she shared with her mother; and in athletics, she participated in the national team that gained distinction for the country in the SEA Games in the 1970s,” pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino.
"The loss of any loved one is grave, indeed; the demise of a child is particularly painful for parents. The President assures former President and Mrs. Ramos that he will keep their entire family in his thoughts and prayers at this time of deep loss," dugtong pa ng ating Pangulo.
Marami sa mga naunang bumisita ay sina Rep. Golez, Rep. Sonny Belmonte na ninong nila sa kasal, mga iba pang pulitiko at kamag-anak.
Bunsod sa kaganapang ito, muli ang publiko ay pina-aalalahanan sa paninigarilyo. May mga mambabatas na gustong buksan ang batas na sumasailalim dito para maiwasan ang mga sakit na dulot nito tulad ng Lung cancer, trachea or bronchitis, asthma, pagka-baog o sterility at iba pang karamdaman na makukuha sa paninigarilyo. Dapat din paigtingin ang batas na nagbabawal na manigarilyo sa mga publikong lugar kung saan maraming mamamayan ang nakakasagap ng usok nito at pinaniniwalaan pang mas masama ang epekto nito sa mga taong hindi naman naninigarilyo subalit nakakalanghap ng tinatawag nating “second-hand smoke”.

“A cigarette is the only consumer product which when used as directed kills its consumer,” ang buhay natin ay iisa lang, matuto tayong pahalagahan ito at umiwas sa mga bagay na makakasama sa ating katawan. Bago pa mahuli ang lahat, magbago na tayo.
allvoices

Tuesday, June 21, 2011

“Ang mga Babae sa Buhay ni PNoy”

“Behind Every man’s Success is a Woman.” Naniniwala ba kayo sa kasabihang ito lalo pa’t kung patungkol ito sa ating mahal na Pangulo?

Marami ang nagulat at naging napaka-interesante para sa mga kritiko kung bakit mas marami ang babae ang sa kanyang gabinete na tradisyunal na hinahawakan ng mga kalalakihan, bukod pa sa kanyang tatlong kapatid na babae na nagsisilbing tagapayo at confidante. Ngunit, hindi naman maiiwasan sapagkat siya ang nag-iisang anak ng yumaong Pangulong Cory Aquino na tinaguriang “Iron Lady of Asia at The 25 Most Powerful Women of the Past Century,” ng Time Magazine na isang matapang at mapagmahal na Ina ng demokrasya. Dahil dito hindi natin masisisi at kailanman ay hindi siya naging bias sa pagpili ng kanyang mga tauhan na maglilingkod ng tapat sa ating bayan.

Una na rito ay si DOJ Secretary Leila de Lima na dating humawak sa CHR o Commission on Human Rights. Pinatunayan niyang karapat-dapat siya sa posisyon at ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ay kinakitaan na ng malaking pagbabago. Nabuksan ang mga matatagal ng nakabinbing kaso at naumpisahan ang kasong plunder kay George Rabusa. Siya rin ang nanguna sa imbestigasyon ng China tourist bus rescue nung nakaraang taon.


Virginia Torres ng LTO na sinasabing “Kabarilan” or “shooting range buddy” ng Presidente na tinaguriang kontrobersiyal ng ilang kritiko. Dahil sa isyung pag-take over ng Stradcom group ng LTO, binatikos siya sa media at ginawaran ng 60 araw na leave of absence ng Pangulo na naging resulta ng pagbibitiw ni DOTC Sec. Jose de Jesus.


Pangatlo ay ang pinakontrobersyal na babae ngayon, si Margarita “Margie” Juico na Chairperson ng PCSO. Nahaharap ngayon si Margie sa ibat ibang issue na pinangunahan ni dating PCSO chairperson Manoling Morato. Si Margie ay dating staff din ni Pangulong Cory Aquino na sinasabing matalik na naging magkaibigan at confidante. Ayon kay Margie, sunod-sunod ang naging mga birada at banat sa kanya ng mga katunggali dahil sa paglilinis niya ng ahensya. Sa kanyang pamamalakad maraming kontrobersiya at anomalya ang kanilang nalaman at kakasuhan ang mga taong sangkot dito.

Ang iba pa sa mga hanay ng kababaihan ng kanyang gabinete ay sina Dinky Soliman ng DSWD, Patricia Licuanan ng CHED, Elisa Gozun, presidential advisor sa Climate Change, Remedios Ignacio Rikken na head ng Phil, Commission on Women, Julia Abad bilang Presidential Management Staff Director General at hinihintay na lang ang pag-aprub kay Conchita-Carpio Morales bilang Ombudsman na kapalit ni Merceditas Gutierrez na nahaharap din sa ibat ibang kaso dahil sa mga katiwalian sa nagdaang administrasyon.


At ang kanyang mga kapatid na tumutulong din sa kanyang mga agenda araw-araw, sina Ballsy, Pinky, Viel at Kris Aquino. Kung matatandaan natin nag-giveway pa si Kris na bitawan ang kanyang mga shows sa ABS-CBN para mag-full time endorser ng kanyang kuya sa presidential election nung 2010. At nung nanalo na si Pnoy ay tumulong na silang magkakapatid sa mga ibat ibang proyekto nito.

Sila’y iilan lamang sa mga “babae” ni PNoy na hindi naman natin lantaran masabing siya’y pro-woman dahil hindi naman siya nagsasabing sang-ayon siya sa RH bill or sa mga isyu sa mga kababaihan. Ang maganda lang naman sa kanyang administrasyon ay binigyan niya ng pagkakataon na maging lider ang mga babae sa mga posisyon na pinagharian ng mga kalalakihan. Pagkakataon na rin ito para patunayan na ang mga babae ay hindi lamang pang-bahay o pang-postura lamang, bagkus sila’y may mga abilidad at talino na tulad din ng mga lalaki.

Sana’y manalangin tayo at magtiwala sa kanila na kanilang tutuparin ang kanilang mga repsonsibilidad at tungkulin kahit na siya ay babae o lalaki. Sila’y pinili hindi dahil sa kanilang kasarian bagkus sa kanilang talino, abilidad,eksperiyensa at sila’y kwalipikado sa mga posisyong kanilang inaaplayan.

Hindi ko rin sinasabing mas maraming babae sa gobyerno ay mas maganda na ang takbo ng Pilipinas na ating naranasan sa pamumuno ni Pangulong Cory Aquino at Pangulong Gloria Arroyo. Bagkus, kanilang gamitin ang kanilang lakas, talino at kagandahan para mas mapaunlad ang pamumuhay hindi lamang ng kapwa nila kababaihan ngunit para sa kapakanan ng sambayang Pilipino at ng ating bansang Pilipinas.
allvoices

Wednesday, June 15, 2011

“In God We TRUST”

“ Humayo kayo at magpakarami…”

Ang konsepto sa karapatan ng isang tao sa kanyang buhay ay nag-ugat sa ating Bibliya. Ang Bibliya ay nagsisimula sa kasaysayan ng paglikha ng mundo at ng tao. Ang Lumang Testamento ay naglalaman ng buong kwento ng pakikiisa ng Diyos sa paghubog sa sangkatauhan at ang marubdob niyang pag-ibig sa kanyang nilikha. Ang rurok ng pagmamahal ng Diyos sa tao ay ang paghandog niya sa kanyang anak na si Hesukristo upang sagipin tayo sa ating mga kasalanan at ilayo sa kasamaan kahit na ang kabayaran ay ang mismong buhay nito. Sa kanyang pagkakatawang-tao, inilapit at ibinuhos niya ang kanyang atensyon sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos at ang pagtulong sa lahat ng klase ng tao, lalong lalo na sa mga bata, matatanda, mga mahihirap at may mga karamdaman.

Nilikha tayo na kawangis ng Panginoon. Ang mga Katoliko ay naniniwala na sagrado ang ating katawan, nararapat lamang na irespeto, pahalagahan at mahalin. Ipinakita sa atin ni Hesus noong nagkatawang-tao siya sa pamamaraan ng pagtuturo ng salita ng Diyos kung paano pahalagahan at igalang ang ating katawan na templo ng Diyos na nakapaloob ang espiritu ng Diyos Ama, Diyos Anak at ng espiritung Banal.
Tayo ay naniniwalang dapat na isaalang-alang sa isyu ng buhay at kamatayan tulad ng aborsyon, paggamit ng kontrasepsyon, “suicide at euthanasia,”ang paniniwala sa kasagraduhan ng buhay ay dapat na makaapekto sa kanilang desisyon.

Ang lumalalang argumento sa “RH Bill” sa pagitan ng Simbahang Katoliko at ng ating Gobyerno ay nararapat lamang na masupil at magkaroon ng kapanatagan. Ang Pilipinas ay demokratikong bansa na naniniwala sa kalayaan ng bawat isa na ihayag ang kanilang opinyon, saloobin, kuro-kuro at ideya na makakatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Ang labanan ng Simbahan at ng Estado o pamahalaan ay nag-ugat pa noong panahon ng Kastila. Ang Simbahan ay nagkaroon ng kapangyarihan na makialam at maimpluwensiyahan ang anumang patakaran, batas o desisyon ng pamahalaan sa kanilang mamamayan. Nakakatawang isipin na ang nagpapatakbo ng ating pamahalaan ay ang Simbahan, samantalang sa ating Konstitusyon nakasaad ang paghahati-hati ng kapangyarihan mula sa Estado, Lehislatura a Hudikatura.

Ang Diyos ay demokratiko at wala naman si¬gurong tututol dito. Kailanman ay hindi gumamit ng pamumuwersa ang Panginoon. Kahit pa nga alam Niya na naroon ang peligrong masasaktan din Siya ng kahinaan ng tao, buong pagmamahal pa rin Niyang ibinigay ang kalayaan sa mga ito. Kailanman ay hindi Niya sinaklawan ang “free will” ng Kanyang nilikha. Kahit na kayang-kaya at pwedeng-pwede Niya itong gawin. Nasa Diyos ang buong kapangyarihan. Tayo ay likha lang Niya. Kung gugustuhin Niya ay pwede Niyang idikta ang lahat ng gusto Niya para maging sunud-sunuran lamang sa Kanya ang tao.Pero hindi Niya ito ginawa at mayroong magandang dahilan ang Poong Lumikha kaya Niya ito ginawa.
Kahit sa Banal na Aklat, ipinakita mismo ni Hesukristo sa kanyang mga parabola kung gaano kalaki ang puso ng Kanyang Ama. Sa kabila ng paulit-ulit na pagkakasala at pagkalihis sa landas ng Kanyang mga minamahal na “anak”, hindi Siya napagod sa pagkalinga at paulit-ulit na pagtanggap sa kanila.

Kitang-kita ito sa parabola ng “Prodigal Son”. Binalewala ng suwail na anak ang pagmamahal ng kanyang ama. Halos durugin nito ang puso ng ama nang hingin ang kanyang mana kahit buhay pa ito at malakas na malakas pa. Nilustay ang mana at nang magkahirap-hirap ay saka bumalik sa kanyang tatay na bukas-palad na muling tumanggap sa kanya at pinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik. At ang pinakamalaking regalo sa pasaway na anak ay ibinalik ng ama ang lahat ng karapatan nito bilang anak.

Ganyan kabuti ang puso ng Panginoon. Hindi Siya kailanman nagtakwil.

Ano ngayon ang ginagawa ng ilang lider ng Simbahang Katoliko? Tahasan nitong sinasabi na “hindi tunay na Katoliko” ang mga sumusuporta sa Reproductive Health (RH) bill. Sa deretsahang salita, tinatawag nilang mga pekeng Katoliko ang lahat ng sumusuway sa kanilang posisyon para itakwil at labanan ang panukalang ang tanging layunin ay latagan ng kumpletong kaalaman ang mga mag-asawa at nagsasamang magkapareha kung ano ang kanilang mga opsyon para maplano nang tama ang pamilya at malimita ang mga anak sa kakayanan nilang buhayin at palakihin ang mga ito.

Ang Diyos ay demokratiko at umaasa sana kami na ang mga taong nagsasabing sila ay mga “alagad ng Diyos” at mga instrumento para ipalaganap ang mga salita at kabutihan ng Panginoong Lumikha at Manunubos ay isabuhay ang demokrasyang ipinakita mismo ni Hesukristo sa kanyang pamumuhay sa mundo bilang tao.
allvoices

“Bata, Bata, Paano ka Gumawa?”

Napakagandang musika sa pandinig ng mga magulang lalo na sa isang Ina ang marinig ang unang iyak ng kanilang anak pagkasilang nito. Mga pangarap ay unti-unting nabubuo sa unang tapak ng munti nitong biyas. Ngunit sa pag-inog ng mundo, ang lahat ng ito’y nagbago at nakakatakot na ang ganitong sistema ay patuloy na nagaganap at sumisira sa ating bansa.

Humigit-kumulang tatlong milyong bata ang ngayon ay sapilitan pinagtratrabaho ng mga sindikato at ang masakit ay mismong mga magulang ang siyang kumakalakal sa mga munting anghel ng kanilang tahanan.

Madalas nakikita natin sila sa mga lansangan, marusing, nakayapak, namamalimos sa mga taong nagdaraan. Sa mga simbahan, nagbebenta ng sampaguita na di alintana ang sikat ng araw at ang lamig ng gabi. Sa mga sulok ng eskinita at basurahan na pinipilit makakuha ng mga bagay na maaring ibenta para may mailaman sa mga kumakalam na sikmura. Ang iba’y nagpapa-alila sa mga mayayaman kapalit ng maliit na halaga o ang iba’y mga ginawang kabayaran ng mga magulang sa mga hacienda o mga may-ari ng mga lupain dahil sa malaking pagkakautang na ang kinahihinatnan nila’y mga pagdurusa at pagmamalupit sa mga taong akala’y sila ay alipin. . Ang napakasaklap na kinahahantungan ng mga batang ito ay nabubulid sila sa droga at prostitusyon.

Napakapangit na tanawin masilayan ang mga murang katawan ng mga anghel na ito ang mabilad sa mga mata ng mga ganid sa laman at sinisira ang kanilang mga kinabukasan. Mapa-Pilipino man o mga dayuhan hatid sa kanila’y bangungot na laging gumigising sa kanilang mga diwa. Sa kanilang pagtakas sa mga pangitaing ganito ang takbuhan naman nila’y droga na sumisira sa kanilang isipan at katawan. Napakaraming kabataan ang nalululong at makikita sa mga lansangan na may tangan plastic na ang laman ay rugby na nakakapagpatuyo ng kanilang mga utak at kapag lango na sila’y parang mga halimaw sa daan na naninira ng mga bagay na makita nila sa kalye.

Kaya napapanahon ang gagawing selebrasyon ng DOLE o Department of Labor and Employment na may temang, “Mapanganib na paggawa, bawal sa bata.”

“The DOLE, together with its tripartite and sectoral partners, will join hands today to raise awareness on the plight of child laborers and to demonstrate the country’s solidarity in the global campaign against child labor,” ani DOLE a¬cting Sec. Danilo Cruz.

Sa paggunita kahapon sa World Day Against Child Labor ay inilunsad ng kagawaran ang Philippine Program Against Child Labor. Sa pagkakalunsad ng nasabing programa nawa’y mailigtas at maprotektahan ang mga musmos nating mga kababayan sa kuko ng mga masasamang elemento sa lipunan.

Sa pagpapatuloy ng administrasyon ni PNoy, sana tuluyan ng masugpo ang paggamit sa mga batang walng muwang at lakas para labanan ang mga demonyong sumisira sa pag-asa ng ating bayan. Sana sa mga pangako niyang linisin ang mga ahensiya n gating bansa, isabay niya ring lipulin ang mga taong nagiging sanhi ng pagkabulid n gating mamamayan sa kasamaan.

Sana lang ay hindi pa huli ang lahat…
allvoices

Monday, June 13, 2011

“FACEBOOK – ABOUT FACE”

Facebook was founded and launched by Mark Zuckerberg with his college roommates and fellow computer science students Eduardo Saverin, Dustin Moskovitz and Chris Hughes. The website's membership was initially limited by the founders to Harvard students, but was expanded to other colleges in the Boston area, the Ivy League, and Stanford University.


There are more than 600 million active users log on to Facebook in any given day around the world. This is the most popular social networking site and service that Filipinos went crazy and eccentric since it started last February 2004.

But, in Zamboanga City in South Cotabato, government employees are prohibited from using it especially during office hours. Officials found out, most of them are obsessed playing Farmville, City Ville, Mafia Wars, Nightclub City, Hotel City, Castle Age and a lot more applications and games. Moreover, they are caught chatting with officemates making operations and government transactions slower.

“It’s just proper to restrict our employees’ access to these sites since it may eventually hamper our over-all producti¬vity and slow down the capability of the province’s server,” said South Cotabato Gov. Arthur Pingoy, Jr.

They’re not prohibited using the internet since most of the time a certain transaction requires it and they should always remember they are serving the government and the most especially the people. Most of the offices and departments in provincial government have internet connection but I don’t know why their supervisors and department heads are not doing something to resolve this issue, (Well may be their also busy planting in their farms, hahaha). Due to this misuse of the facility, the speed connection got slower affecting the processing of some transactions.

Actually, not only in government institutions Facebook is not allowed but in some Call Center or BPO companies because it both affects the connection and the quality as well.

Remember we are being paid because we render hours doing tasks and responsibilities given to us. We’re not here to play games and socialize with other nationalities. These sites are created for us to enjoy and help us release stress and boredom. It also helps us connect with our friends, schoolmates, colleagues and family living outside the country.

There’s always a time for fun and pleasure. We are held accountable and responsible for everything we do so we should be vigilant and focus on our careers to be successful. Again, the success of the government not only lies in its leaders, but with the cooperation of its people and the community.
allvoices

“English Carabao”

It’s always been a laughingstock to most Filipino’s when ex-President Estrada speaks in English in a meeting or even in casual occasions. Right now, English language is being tagged as the universal language in the world; in school, in the office, malls and market, even you order something over the phone, English is you’re medium of communication.

It’s very alarming that coming from the mouth of those who supposed to help students in learning the language are the one who pursue to use our own language in teaching. According to the news, Education Undersecretary Yolanda Quijano blames the use of secondary language in classroom instruction inhibits learning among young students, which eventually leading to poor literacy skills when they become adults.

In relation to this, Dr. Nilda Sunga, consultant for English book of the Department of Education (DepEd), we should not force or required elementary students to speak in English in subjects who don’t require the use of it.

“Para sa akin it’s a mortal sin, ‘yung ipipilit mo ‘yung Ingles, sa mga bata kung gusto nilang magsalita ng Tagalog kahit na sa asignaturang science at math, e ‘di gawin nila, huwag nilang pilitin, ang mahalaga ay maintindihan ng mga bata ang lesson,” ayon kay Sunga.

Moreover, students must clearly understand the message not the language itself. Allegedly, children must understand what is taught based on the book and not the language for a simple reason that we will not be able to apply it to our work and even we get old because we are Filipino.

I think this is so pathetic. Her reasoning is so stupid!
She is not aware that when you apply for work in any company, English is the medium of communication especially if you’re pursuing a higher position. Even in fast-food like Jolibee, McDonald’s, they hire service crew who can speak and understand English. Even we speak English or any other languages, our roots will never change. It’s not a mortal sin for anyone to strive for more than you ask for as long as you don’t step anyone to achieve it.

The use of English as a medium of instruction even for starter learners may be the reason why some nine million Filipinos aged 10 to 64 finds it difficult to read, write, compute and comprehend. The use of a foreign language at the early stage of formal schooling has been identified as among the factors why students drop out early.

The Department of Education has initiated a program using the mother tongue for instruction of entry-level students, in the wake of local and international studies that pupils taught in their first language showed better rates of learning and retention.
Deviating from the traditional use of English in Philippine schools, the program, called the “mother tongue-based multilingual education,” advocates the use of regional languages in teaching early learners to build basic learning skills before teaching them secondary languages, including English and Filipino. Studies have proven that the mother tongue provides a strong foundation for learning secondary languages, math and science skills, among others.
allvoices

Sunday, June 12, 2011

“Marikit” - A Survivor’s Tale

Part 1 – The beginning

I'd like to tell you that what you’re about to read is really important and is going to impact your life. The truth is, I'm probably not going to tell you anything you haven't heard before, but let me encourage you to read it anyway.

I was raised on a small community in Santa Cruz between the boundaries of Chinatown and Tondo, along with my eldest sister. It may not be the perfect place for everyone but I owe everything to my crib. I had a happy childhood though we’re not a perfect family. My dad left us before I was born due to traditional family values. My mom is a Chinese and it was a mortal sin before to have a relationship with a Filipino. To make things worse, my grandparents signed my birth certificate as my legal parents.

I grew up knowing my “Lolo and Lola” are my parents and their siblings are my “Kuya’s and Ate’s”. May be that’s the reason why our neighbors keep on teasing me that I was took from a bull’s shit. But I just ignored them, I’m confident that I’m the “bunso” of the family. Until something happened to me, I was 5 or 6 years old then when I figure out that I’m not a normal kid. I know it may sound ridiculous because I was still very young then but it is true. I know I’m not a boy, but I’m attracted to them. It’s funny because I didn’t play dolls or any girl’s toys. I love to play with boys, running, playing hide and seek, “tumbang preso”, “luksong kalabaw”, everything that most boys are into. That’s why they were shocked when they knew it.

It’s been a long and difficult journey for me before I was accepted. Apart from they are of Chinese blood which being a gay is also a big question; they are also conservative and strict. It was during elementary when I found out who my parents are. My dad’s family lives across the street where our house stands. That’s why they keep on telling me that I should call them, “Tito, Tita,” which I usually don’t mind because I thought they’re joking. But, my Lola explained to me everything and even told me I was an unexpected child. My mom didn’t know she was pregnant before they got separated and they even try to get rid off me. I was shocked knowing these revelations and anger slowly grows in my young heart.

I was an honor student from kinder up to high school. I graduated first honorable mention in elementary next to our salutatorian who is my crush. In high school it was a very stiff competition because all honor students from top elementary schools in our district are combined but still I ended top 18th place during our graduation. When I enter college that’s the time I change a lot. My being homosexual developed during college days since I’m exposed with a lot of gay friends. In college I started also being a rebellious son. Most of the time I go home late at night and there are times I don’t go home because of parties. And also during these years I started trying things which I know is bad and illegal. I started smoking, drinking liquors, gambling even drugs. It was the second semester of my first year in college when I met my first boyfriend. He’s two years ahead and a member of the student council. He’s tall, dark and handsome and we have the same denominator- we both came from a broken family.

At first we just started as friends, I joined several organizations in school just to be near him. I changed a lot because of the things I learned from him, his views in life, and his ambitions. I thought I’m only longing for an older brother’s attention or a father figure since I never had a father since birth. But apparently, my feelings for him grew and grew until he confronted me. It was one stormy night in school, after the orgs’ meeting was adjourned, he asked me if I could stay and wait for him in the garden near the school’s chapel. He looks so serious and quiet that makes me nervous. I was sitting in right across the fountain when I saw him running. I asked him what is it regarding and it’s already past ten o’ clock and I need to be home before twelve midnight. He looks me straight in the eye and asked me if what he heard from our friends is true. He doesn’t sound angry or pissed off but you will feel his seriousness. I try to bluff him but with no use. He repeated the question and this time I just bow my head and started crying. I was caught-off guard. He suddenly come closer to me and taps my shoulders. He admits he was shocked when one of our close friends asked if we are in a relationship. Actually I was drunk when I told our close friends about my feelings for him. But, none of them violently reacted and to my surprise they even offer support and advices because they know this is not easy for me to handle. It was a very long silence for the two of us; I explained everything to him while I was crying. I was about to stood up when he held my hand and look directly to my eyes. He asked me to stay and he wanted to say something for me. It was really hard for him because he’s a straight guy and this is also he’s first time in this kind of situation. He told me I’m special for him, he’s wondering why he feels that way for me. He thought I’m like a brother to him since he’s an only child. But he didn’t give me the assurance that we can be lovers that night. He doesn’t want to be hasty. It’s not the right time for us to make decisions which in time we’re going to regret and blame each other for it. I think I’m the most beautiful student in the campus during that moment. I think I’m in heaven that time, my heart is about to explode hearing those words though we’re not yet committed. He drives me home that night. He explained to my mom why I’m late and I told him to drive safely and call me once he’s already at home. If only cell phone is already invented that time may be he’ll just send me a message. After an hour he called me up and we exchange good nights to each other. It’s hard for me to sleep that night, there are things running in my head on what we’ll happen tomorrow, the next day, next week, for the two of us. I just pray that come what may, I need to be strong and ready for anything may come up for the two of us.

To be continued…
allvoices

Friday, June 10, 2011

Kalayaan o Kahalayan?

Ilang oras at minuto na lamang at muli natin ipagdiriwang ang ika-113th Anibersayo ng Kalayaan ng Pilipinas. Sabay-sabay natin gugunitain at muli tayong ililipad sa nakaraan upang magbalik tanaw sa napakahalagang pangyayari sa kasaysayan na naganap sa ating bansa, ang pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas at kasabay nang pagtugtog ng pambansang awit sa Kawit, Cavite bilang simbolo ng pagsilang ng kasarinlan ng bansang Pilipinas. Sa pagbabalik sa mga pahina ng nakalipas, ipinamalas ng mga magigiting na Pilipino ang kanilang katapangan upang sumilay ang liwanag buhat sa madilim na kinasadlakan ng kalunos-lunos na bayan ni Juan dela Cruz.

Ang pagsasariwa sa kagitingan ng mga Pilipinong nakipaglaban at nagbuwis ng kanilang buhay para makamit ang dakilang hangarin ay nagbibigay sa atin ng lakas at determinasyon upang magkaisa at manguna sa anumang hamon na hinaharap natin sa kasalukuyan at maging sa mga darating pang panahon. Maging inspirasyon ang pagsasakripisyo ng ating mga ninuno upang palakasin ang Republika ng Pilipinas na pangunahing sandigan na kumikilala at nagbibigay ng pagpapahalaga sa dignidad ng bawat Pilipino, lalong-lalo na sa usaping pampamilya, na siyang pundasyon at pinakamahalagang salik ng ating lipunan.

Ngayon ang ating bansa ay humaharap hindi lamang sa iisang hamon na kung hindi magkakaisa ay maaring pagmulan ng pagkakawatak-watak ng sambayang Pilipino. Hindi lingid sa ating kaalaman ang samu’t saring problema dinaranas ng bayan ni Juan, ito man ay dulot ng ating kalikasan o bunga ng kasamaan ng tao hindi lamang sa kanyang kapwa, maging sa kalikasan din.

Bagama’t ang ating mundo’y patuloy sa pag-ikot, pag-inog, pagiging modernisado sa ibat’ ibang larangan, ay maari na itong dahilan upang makalimot na tayo sa ating pinagmulan. Ang siyensiya at medisina ay patuloy na umuunlad sa kapakinabangan ng bawat isa lalo na ng ating bayan. Ngunit ang siyang nakalulungkot at nakatatakot isipin ay ang malaking pagbabago ng mga Pilipino, hindi para sa ikabubuti nito, kungdi ang pagkabulid natin sa kasamaan.

Kung iisa-isahin ko ang mga ito, kulang ang isang araw para matapos ko ang aking katha. Kung iguguhit ko man ito, ang aking obra’y punong-puno ng pighati’t pagka-poot na ang mangingibabaw na tinta’y itim at pula na simbolo ng aking marubdob na damdamin. Kung ito’y isasaliw ko sa isang musika, hindi kaya’t punebre ang siyang tiyak nitong kalalabasan.

Isang bansa ngayo’y nahahati dahil sa usaping may kinalaman hindi lamang sa buhay at dignidad ng bawat Pilipino, subalit maging sa prinsipyo at moralidad ng bawat isa. Kung noon ang mga ninuno natin ay nagsama-sama, nagkaisa at nagbuwis ng buhay para makamtan ang kalayaang matagal nang ipinagkait ng mga dayuhang yumurak sa ating lahi. Ngayon kakaibang laban naman ang ating hinaharap, at ang labang ito ay mas matindi pa kung ihahalintulad natin noon, sapagkat kapwa Pilipino ngayon ang siyang ating kalaban. Mga Pilipinong hindi kumikilala sa kahalagahan ng buhay at dignidad ng bawat pamilyang Pilipino.

Mas masarap gunitain at ipagdiwang ang ating kalayaan kung sadyang tayo ay malaya na sa tunay na ibig sabihin nito. Malaya ang iyong puso at isipan, malaya ang iyong kaluluwa sa anumang hangarin. Malayang magmahal at mahalin, malayang gawin ang ninanais para sa sarili, kapwa at sa bayan.

Kumilos na tayo mga kapatid patungo sa Daang Matuwid, iwasan na natin ang Daang Malubak at Butas-butas. Ang bukas at ang kapalaran natin ay hindi natin hawak at kayang saklawan. Huwag na nating ipagpabukas kung ano man ang nais natin maging kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. Iisa lamang ang ating buhay, Iisa ang pinipintig ng ating mga puso, Iisa lamang ang kulay ng ating dugo datapwa’t iiba ang ating kulay, Iisa ang Siyang nagbigay ng buhay natin, Muslim man o Katoliko, Bisaya o Intsik, Si Alah man siya o si Jesus, ang importante, Iisa ang pinaghugutan natin ng hiningang araw-araw na bumubuhay sa ating pagkatao. Matuto na tayo at maging instrumento ng pagbabago tungo sa maunlad at malayang bansa.
allvoices

Thursday, June 9, 2011

PCSO: Bagong Movie Production outfit ng Pinas?

Dahil sa kabila-kabilang anomalya at batikos ang nabubunyag sa PCSO, nakaisip ako ng maaring maging title nila if ever na maging pelikula ito, siyempre ang magiging bida dito ay ang mga taong sangkot din sa mga intrigang ito.

PAUNAWA: Ito ay base lamang sa aking opinyon, malikhain at malikot na pag-iisip, ang mga impormasyon dito ay base sa mga nakalap na balita sa mga pahayagan. Walang personalan, trabaho lang, ika nga nila. Ito ay para sa mga taong nais malinawan sa mga issue sa bansa sa paraang maaliw din sila.

* Shake, Rattle & Roll XIII- “Mga Multo sa PCSO”

Starring:

Lead role: PCSO director Mabel Villarica-Mamba

Supporting role: Gloria Arroyo, Manoling Morato

Lokasyon: PCSO main office sa Quezon Institute

Synopsis: Madidiskubre ni Mabel, director sa PCSO na may mga multo sa PCSO. Ngunit bago pa man ito ay nakakita siya ng 17 kahon ng guarantee letters sa ibat ibang ospital para sa mga pasyente na humihingi ng pinansyal na tulong.

Makikita niya ang kahon sa opisina ng dating opisyal ng PCSO na itinalaga ni Gloria Arroyo kasama si Manoling Morato bilang board member nito.

Ang nakakatakot at nakakapanghilakbot ay sampung porsiyento lamang sa mga guarantee letters ang nakapangalan sa tunay na pasyente at ang iba ay mga “multo” na siya ngayong iniimbestigahan dahil umabot sa P300 milyong piso ang halaga nito.

Dahil dito sinimulan nila an paghahanap sa mga taong ito at isa sa nadiskubre nila ay isang pasyenteng sumailalim sa tatlong operasyon, isa sa puso, pangalawa sa atay at pangatlo ay muli na naman siyang naoperahan.

Bunsod nito ay nahaharap ang ahensiya sa mahigit P4 na bilyon sa ibat ibang ospital sa bansa. Sino kaya ang mahuhuli ni Mabel at ng PCSO?


* FAST Five

Starring:

Lead role: PCSO General Mana¬ger at board vice-chair Rosario Uriate, Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero at Ma. Fatima Valdes

Supporting role: Margie Juico (PCSO Chairperson), Atty. Raoul Creencia (Abugado, Government Corporation), Atty. Eduardo Araullo (Board secretary)

Guest: Gloria Arroyo

Lokasyon: PCSO office, Australia

Synopsis: Nahaharap ang pangkat na binubuo ng limang tao, mga dating opisyales ng PCSO sa ma-anomalyang kontrata na nagkakahalaga ng P42 bilyong piso sa isang kumpanya sa Australia.

Ang nasabing usapin ay naganap noong nakaraang administrasyon sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Ayon sa kontrata, ang PCSO at ang TMA group of Companies na naka-base sa Australia ay magiging magkasosyo sa loob ng 50 taon. Ang TMA ang siayng magus-supply ng thermal paper sa PCSO na siyang gagamitin para sa lotto ticket.

Ngunit, dahil kay Margie juico, ang siya ngayong tumatayong chairman ng PCSO, ang nasabing kontrata ay “null and void” dahil na rin sa pag-aaral ni Atty. Raoul Creencia. Kasama ang iba pang board members, inaprubahan ang resolusyon 180 na nagsasawalang-bisa ng TMA contract sa PCSO.

Bukod dito, inatasan ni Juico si Atty. Eduardo Araullo na kasuhan ang nasabing mga ex-PCSO board sa lalong madaling panahon.


* Tinimbang Ka ngunit Kulang

Starring:

Lead role: Gloria Arroyo
Neri Colmenares

Supporting role: Manuel Garcia

Lokasyon: Kongreso

Synopsis: Mabubunyag kay Neri Colmenares ang maanomalyang paglipat ng may P7.2 bilyong pondo ng PCSO sa “intelligence funds” ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo.

Aniya, naganap ito mula 2001-2010 at kasabay nito, si Manuel Garcia na isa ring opisyal ng PCSO ang kinasuhan sa paghingi nito ng 40 porsiyentong komisyon mula sa mga ahensiyang nakatoka sa advertising ng PCSO.

Ayon pa sa kanya, isang liham ang kanyang nabasa mula kay dating PCSO General Manager Rosario Uriarte na inaprubahan ni dating Pangulong Arroyo noong January 4, 2010, na humihingi ng pahintulot na mailipat ang may 50 porsiyento o lumalabas na P150 milyong PR fund sa “ intelligence funds” ni Arroyo, at ito ay bago ang 2010 presidential elections.

Dahil dito, hiniling ni Colmenares sa Kongreso ang pag-iimbestiga kung may awtoridad o kakayahan ang Presidente ang paglilipat ng pondo ng PCSO bago mag-eleksyon at kung saan ito napunta o ang pinagkagastusan.


Mga kaibigan, abangan ang mga susunod pang mga bagong pelikula na kinatatampukan ng mga pinaka-popular at kontrobersyal na tao sa lipunan, Hanggang sa muli, enjoy watching…
allvoices

Wednesday, June 8, 2011

Associate Justice Conchita Carpio-Morales – The next Ombudsman?

In June 19 of the current year, Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales will be leaving her bench as she reached the age of 70. She administered the inaugural oath to President Benigno Aquino Jr. and one of the candidates for the post of Ombudsman following the resignation of Merceditas Gutierrez. She was nominated by the UP Law Alumni Association, the Transparency International Philippines and the Women Lawyers Association of the Philippines Inc. President Aquino himself was said to have handed a note to Carpio-Morales offering her the post during an event they had attended together with retired Chief Justice Artemio Panganiban.
“If Chief Justice Panganiban will endorse me,” was reportedly Carpio-Morales’ reply.
I always remember what my mother tells me whenever someone is angry with me, “Ang punong hitik sa bunga ay laging binabato”. Just like her, with her accomplishments and the fame she is receiving, a lot of detractors are now making noise to stop her from getting the post.

First in line is the former President and now Pampanga congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, who burst out her sentiments through her spokesperson, and even sends a letter to Judicial and Bar Council (JBC) to make her stand. She takes it too personally where in fact JBC will do the screening of the candidates. Why is she so defensive? Does she know that she is guilty that she is panicking already? Her body language only shows her guilt all the more. Well, maybe I could understand her behavior because Carpio-Morales might have her prosecuted for corruption. What the former President is worrying is that if she will win the said post, she (Carpio-Morales) will not hesitate to act not only on her pending cases but also with the people involved even her family.

Next is Raul Gonzales, former secretary of DOJ who voiced out his unwanted hostility to Carpio-Morales’ ombudsman bid. As we all know, he is part of Arroyo’s administration, one of the prosecutors during Erap’s plunder case and I think the worse secretary ever handled the justice department. The reason why he is crying out loud is to protect him from what might happen if the Arroyo case will push through.

Another personality who wanted to make a scene as well is former Ombudsman Aniano Desierto who publicly opposed the nomination of Carpio-Morales, citing her age. What’s the problem with her age? Is being 70 an obstacle in performing the duties and responsibilities of an ombudsman? Why don’t we take a look on the brighter side of it? With her age, she is the perfect candidate for the position because she possesses not only intelligence and her way of thinking but the most important is the experiences she acquired from the time she started serving our country. And by the way, don’t forget, “Age doesn’t matter,” right?

Like Margie Juico whose being “brutally murdered” by Manoling Morato thru media, Carpio-Morales’ camp remains silent, they declined to comment on the issue.
According to JBC, they would choose and consider someone with “personality, character, integrity and track record of a nominee.” Under the law, it is the nine-member JBC that determines who is fit to become an ombudsman or his or her deputies. The JBC also screens possible appointees to the judiciary. The President makes the final choice.
Let us wait for the President’s proclamation of the next Ombudsman. Let us hope and pray that the nine-member JBC who will determine the next Ombudsman will base their judgment through intelligence but most especially with their heart and soul.
allvoices

“Paraiso sa Bilibid, Silid-Aralan na Animo’y Bilibid…”

Aakalain mo’y isang bangungot ngunit totoo, ilang beses mong kusutin ang iyong mga mata at takpan ang iyong mga tenga ngunit naririnig mo pa rin ang taghoy ng paghihirap ng mga kasama mo, ng iyong kababayan, ng iyong kadugo ngunit mapapapikit ka na lang at mapapaluha dahil wala kang magawa…

Sasabog ang puso mo sa larawan iyong makikita, mga munting anghel na animo’y preso sa loob ng silid-aralan. Dikit-dikit, walang halos espasyo, mainit, maliit, ito’y iilan lang sa maari mong gamitin para ilarawan ang sitwasyon ng mga mag-aaral sa Payatas C Elementary School sa lungsod ng Quezon. Ayon sa kanilang guro na si G. Elmer Garcia, daig mo pa aniya ang bilibid sa sitwasyon ng kanyang klase, buti pa aniya sa kulungan, may tubig at kuryente, hindi katulad ng kanilang silid-aralan na tila impiyerno sa lupa.

Isa sa napakalaking suliranin ngayon ng ating gobyerno ay ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa. At dahil dito, napilitan ang nasabing paaralan na lumipat pansamantala sa isang bakanteng lote at doon muna manatili habang itinatayo ang kapalit nito. Gawa sa tabla at yero na pinilit pagkasyahin ang halos tatlong libong mag-aaral ng Payatas C. Maalinsangan, mainit, walang kuryente at tubig, nanlilimahid sa sariling pawis ang mga anghel na imbes na makinig sa kanilang guro ay humahanap ng paraan para guminhawa ang pakiramdam. May mga electric fan subalit hindi magamit dahil sa kawalan ng kuryente. Ito ba ang lugar kung saan huhubugin ang susunod na magiging lider ng ating bansa? Ito ba ang lugar kung saan ang ating pag-asa ng naghihikahos nating bayan ay huhugot ng lakas at kaalaman na siyang sandata niya sa pagtahak ng tagumpay?

Sa kabilang banda, nahulog naman ako sa balon ng kawalan ng pag-asa ng aking mabatid ang kaganapan sa NBP o New Bilibid Prison sa lungsod ng Muntinlupa. Hindi lamang magagarbong kagamitan at appliances ang bumulaga sa ocular inspection kahapon sa NBP kundi ang lalong gumulat sa bumisitang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at Department of Justice (DOJ) at ilang kongresista ay ang mala-motel na kubol na pinaniniwalaang kasama sa special package ng VIP treatment ng mga “Bigtime inmates”.

Kabilang sa napansin ng mga kongresista sa loob ng nasabing kubol ay malaki ang pagkakaiba sa iba pang kubol ng mahihirap na preso kung saan mayroon itong sariling comfort room, exhaust fan at gamit sa kusina gayundin ng TV, DVD player at kasama ring dinatnan ang ilang pornographic DVDs at mga bayolenteng panooring “The Nazi History” at “Prison Break” at iba pang panooring may tema ng pagtakas sa kulungan.

Nakakapanlumo at nakakapanghina ang makitang ang mga kababayan mo ay nahihirapan sa kalagayan nila sa kulungan at pagkasuklam sa mga kababayan nating nagpapaloko at nagpapabayad sa mga turistang tsino nakulong dahil sa droga. Marami sa mga kababayan natin ang nagkakasakit at namamatay dahil sa “poor ventilation”, “dehydration”,mga nakakahawang sakit sa balat, at iba pa. Samantalang ang mga “Anay” na sumisira sa buhay ng mga Pilipino dahil sa drogang kanilang iniaangkat at kinakalat sa buong bansa, ay tila hari at prinsipeng namumuhay sa kulungan imbes na pagdusahan ang kanilang kasalanan. Napag-alaman din na mas lumala ang prostitusyon at droga dahil sa mga ganid sa pera at kapangyarihan na patuloy na nagpapabayad sa mga “V.I.P’s” na to.

Kahapon ay personal ding sinaksihan ni Iloilo Rep. Niel Tupas ang pagbuwag sa mga kubol ng mga Chinese drug lords at mga mayayamang preso at lagi umano nilang pupuntahan ang lugar para masiguro na hindi na mu¬ling itatayo ang mga ito.

“Na-demolish na kanina ang mga kubol. We will check them from time to time,” ani Tupas dahil lu¬malabas na laganap umano ang prostitusyon at droga sa loob ng national penitentiary.

“Lumalabas na malala ang prostitution and drugs. There are so many accounts about it,” dagdag pa ng mambabatas kaya walang silbi umano ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot dahil sa mismong kalaboso kung saan dapat nirereporma ang mga maling kaisipan at aktibidad ay patuloy pa rin ang criminal activities.
Kaugnay nito, nagbanta rin si De Lima na kakasuhan ng insubordination ang mga BuCor officials na mabibigong imantine ang pagkakabaklas ng mga kubol na ginagamit na bahay ng ‘bigtime inmates’.
Sa makakabasa nito nawa’y magising na tayo at magkaisa para maging maganda an gating kinabukasan. Tigilan na ang siraan at maanghang na palitan ng mga salita na wala naman maidudulot na buti sa kapwa at sa ating bansa. Ang edukasyon ang ating sandata para maabot ang tagumpay at ito rin ang siyang susi para umangat ang ekonomiya ng bansa, subalit mga kaibigan, kung ganito ang nangyayari sa mga paaralan sa ating bansa, anung klaseng mga mamamayan kaya ang magiging produkto nito? At mga kaibigan, ang bilibid o kulungan ay lugar upang ating pagsisihan at ituwid ang ating mga pagkakamali. Ito ang lugar upang ating pagnilay-nilayan ang ginawang kasalanan at tanggapin ang kaparusahan. Subali’t kung ganito ang nangyayari sa ating mga bilibid at mismong mga nasa posisyon pa ang kaisa nila dito, parang tuluyan na nating nilugmok at nilubog ang ating mga sarili at kaluluwa sa kumunoy ng impiyerno. Minsan lang tayo mabuhay, at gawin natin itong kapaki-pakinabang. Ang buhay na ito ay pinahiram ng Panginoon para maging kasangkapan niya sa pagpapalaganap ng kabutihan at salita ng Diyos at hindi para gamitin sa kasamaan at sirain. May panahon para magbago at maituwid ang lahat ng ito, hindi pa huli ang lahat. Sama-sama tayo at magkaisa para mabago ang maling sistemang umiiral sa ating bansa. Hindi bukas, hindi kahapon, hindi sa linggo…Kungdi NGAYON!!!
allvoices

Tuesday, June 7, 2011

“SAMAR versus BALAY” : The Looming Clash in Malacanang

"No candidate who has lost in any election shall, within, one year after such election, be appointed to any office in the Government or any government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries." (Section 6, Article IX-B of the 1987 Philippine Constitution)
And
"Except for losing candidates in barangay elections, no candidate who lost in any election shall, within one (1) year after such election, be appointed to any office in the government or any government-owned or controlled corporation or their subsidiaries." (Section 9, par.(b) of the Local Government Code of 1991”
It’s already been a year after Mar Roxas is ban from any government service after his lost in May 2010’s election. Though, he remains a valued adviser and confidante of P-Noy, his running mate and his faction, Balay (refers to the official headquarters of the Aquino campaign in Cubao).
His silence after the election drew a lot of speculations and rumors on what will be his position on P-Noy’s administration. Until yesterday, June 7, 2011, finally Mar Roxas was appointed as the new Secretary of the Department of Transportation and Communications (DOTC). With his appointment, a threatening clash within the people in Malacanang has been avoided. The sudden and unexpected resignation of former DOTC Secretary Ping de Jesus, as admitted by the President himself, gave him the most convenient way out. There had been quite legitimate concerns and speculations aired in the media when P-Noy desires to appoint Roxas to the post of chief of staff where Executive Secretary Jojo Ochoa currently holds the position. Questions had been raised on how the President will divide the duties and power of an executive secretary and a chief of staff without creating chaos, confusion and thus inaction.
Meanwhile, Ochoa is the head of the “Samar” faction which comprises of mainly lawyers and non-Liberal party groups such as “volunteers” operating a separate campaign for Aquino. It (“Samar”) is actually a street on which the borrowed house owned by Ochoa’s brother stands. The house became the informal headquarters of this faction.
Roxas will also join the economic team and I still remember he is popularly known as “Mr. Palengke” during the election campaign. His international experience in banking and finance will be of great help to uplift the economic status of our country. For sure, with his experience in government service, having served as a congressman, senator as well as part of the Cabinet will give him a lot of credibility with the business community.
With Roxas appointment, I’m sure the controversial ZTE deal and PIATCO fiasco will be reopen and investigated again. As DOTC secretary, these dubious transactions will definitely fall on his department and is he determined to have Gloria Arroyo pay for this?
“Kailangan ko ng isang tao na kaya akong sabayan sa pagtahak sa tuwid na landas. Si Mar po ang may kakayahan na magpatupad ng mga gusto nating ipatupad sa DoTC...Hiniling ko po ito sa kanya bilang isang kaibigan at bilang inyong Pangulo...Ilang beses na po siyang sinukat at siya naman po ay hindi nagkulang,” ilan sa mga papuri ni Aquino kay Roxas.”
P-Noy gave him the freedom to choose people will join him in his department since most of the DOTC Undersecretaries also resigned from their post. Roxas strongly hold his commitment to be fair all the time and he’s not afraid to fight for the truth. No one will be given special treatment under his department and all will be treated accordingly.
“If there's a new way, I'll be the first in line. But, it better work this time”. - Megadeth, Peace Sells
allvoices

Monday, June 6, 2011

“Iskwelahang Kolorum” – Bagong Dagok kay Juan!

Hudyat na naman ng bagong kabanata sa buhay ng mga estudyante kahapon. Sa pagbubukas kahapon ng mga paaralan, samu’t saring problema rin ang nahantad hindi lamang sa ating gobyerno bagkus higit sa mga magulang. Kahapon, halos lahat ng himpilan ng telebisyon at radio ay nakatutok sa muling pagbubukas ng mga klase. Ang himpilan ng pulisya at ang mga baranggay ay nagtulong- tulong din para mapanatili ang kapayapaan,kaayusan at mapigilan ang anumang karahasan lalo na’t manganib ang buhay ng mga estudyante. Sa aking buong araw na pagtutok sa mga pangyayari, aking nabatid na may mga bagong problema na naman kakaharapin ang ating gobyerno lalo na ang “bulsa” ng ating mga magulang. Nakakatuwa rin na nagbukas ang DepEd sa pakikipagtulungan nito sa CHED ng isang “call center” na maaring tawagan ng mga magulang kung mayroon silang gustong isangguni. Mula umaga hanggang sa hapon, iisa lamang ang aking naging obserbasyon ukol sa mga hinaing ng mga magulang. Una, ay mga dagdag na bayarin o kontribusyon na agad na umanong sinisingil sa mga estudyante. Pinaliwanag ng DepEd na may mga kontribusyon umano na legal at dapat na bayaran ng mga magulang. Ito ay mga kontribusyon na kanilang pinahintulutan tulad ng “Boys’ Scout at Girls’ Scout fee,” YMCA, at iba pa, ngunit kanila rin pinaliwanag na ito ay hindi pa ngayon dapat na bayaran agad, maaring ito ay sa susunod pang mga buwan. Pangalawa, ay ang mahirap na pag-e-enrol ng mga estudyanteng nagmula sa mga pribadong paaralan. Hindi naman lingid sa atin na napakahirap na ng pamumuhay sa ngayon, kaya ang iba nating kababayan ay nagdesisyong ilipat ang kanilang mga anak sa pampublikong paaralan. At isa sa kanilang mga naging problema ay ang hindi pagbibigay sa kanila ng “Form 137” na siyang pangunahing requirement sa pag-e-enrol ng mga estudyante. Pinayuhan ng mga opisyal ng Deped na kung ang isang magulang ya may natitira pang obligasyon o utang sa iskwelahang pinanggalingan ng anak ay magkaroon sila ng isang usapin kung maari nila itong hulugan na lamang hanggang sa makumpleto at bigyan sila ng katunayan na ang kanilang anak ay nagmula at nag-aral sa iskwelahang iyon. Pangatlo at siya kong kinagulat ay ang pagsiwalat sa mga “iskwelahang kolorum” o mga iskwelahang walang permit para magturo. Ibinunyag ng pamu¬nuan ng ‘Department of Education’ (DepEd) na mahigit 3,000 mga pribadong paaralan sa bansa ang ‘kolorum’ o walang permit to operate at akreditasyon mula sa departamento.

Batay sa record ng DepEd, lumilitaw na ang mga rehistradong pribadong paaralan sa kanila ay nasa 7,084 habang nasa 4,707 naman ang rehistradong pang-sekondaryang paaralan..
Dahil dito, binalaan ni Education Secretary Armin Luistro ang mga may-ari ng mga paaralan na kumuha ng kanilang permit sa kagawaran sa ilalim ng DepEd Order No. 38 series of 2011.
Kung mabibigo at babalewalain umano ng mga may-ari ng mga pribadong eskuwelahan ang kanyang kautusan ay mapipilitan siyang ipasara ang mga ito.
Nabatid din sa DepEd na karamihan sa mga pribadong paaralan ay sa susunod na Linggo pa (June 13) magbubukas ng klase at tumatanggap pa ang mga ito ng mga enrollees.
Kasabay nito, pinayuhan ng kalihim ang mga magulang na beripikahin muna kung may permit, recognition at accreditation ang mga pribadong paaralan na nais nilang pagpasukan sa kanilang mga anak upang makaiwas sa mga kumplikasyon at problema sa hinaharap.
Ayon sa DepEd, ang mga mag-aaral na nakatapos sa mga paaralan na walang permit to operate ay pinakukuha pa ng “Philippine Validating Test” bago tanggapin sa pmapublikong paaralan upang mabatid kung may natutunan nga ba sila sa kanilang pag-aaral.
Bagamat ‘in full charge’ ang DepEd sa ‘basic education’ sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan, may ‘supervisory powers’ rin naman ito sa mga pribadong paaralan upang matiyak kung sumusunod sila sa mga ipinatutupad na pa¬nuntunan ng pamahalaan.
Nakakatakot isipin na kung ito ay hindi masusugpo ng ating pamahalaan, anu na lamang ang mangyayari sa edukasyon sa ating bansa. Anung klase mga pinuno ang maaring maging bunga ng iskwelahang ito? At para sa ating mga magulang, napakasakit isipin na ang perang kanilang pinaghirapan ng dugo’t pawis ay mauuwi lamang sa alikabok. Ang inaasahan nilang siyang makakatulong sa pag-ahon sa kahirapan ay tuluyang pa lang nilugmok ng mga mapang-abusong nilalang. Napakaraming matatalino at talentadong Pilipinong kabataan ngayon ang nangangarap na makatulong sa kanilang mga magulang at sa ating bayan. Para sa mga taong manloloko at mapagbalatkayo, huwag naman natin sanang ipagdamot sa kanila ang magandang bukas na naghihintay sa mga kabataang ito.
Ang Daan sa Tagumpay ay bali-baliko, lubak-lubak, nakakatisod at napakahirap tahakin, ngunit para sa akin at sa mga estudyanteng patuloy na nangangarap ng kaginhawahan sa buhay, mas masarap lasapin at namnamin ang bunga ng iyong mga paghihirap. Ang tagumpay na nakamit sa madaling paraan ay parang alikabok na liliparin lamang ng hangin at maglalaho. Ang kayamanang kailanman hindi mananakaw sa atin ninuman ay ang ting edukasyon na pinamana sa atin ng ating mga magulang.
allvoices

Friday, June 3, 2011

"People may doubt what you say, but they will believe what you do."

A famous line from Lewis Cass that I can say will best describe what happen to the controversial Margarita “Margie” Juico. According to the latest news, Margie proves to her detractors that they are wrong. PNoy is very happy that she appointed Margie as the new Chairperson of PCSO; he never regrets his decision of having her as the head of this agency which in the past administration where thrown a lot of anomalies and controversies.

Margie always believes “Performance is the best PR”, recently she reported to Malacanang the reforms done to PCSO that eventually show positive results. On the first quarter of this year, sales from the three-online games of PCSO increased.

Based on her records, STL, Keno game and lotto increased its sales in the beginning of this year. This means a lot of indigent patients, children with chronic conditions and the poor people will receive medical assistance and basic social services from PCSO.

The controversial transfer of PCSO to PICC also saved money from its rent; from P2.4 million, down to P1.9 million. Even for advertising/PR budget for PCSO had been reduced to P500 million per year. The unpaid accounts of PCSO during the Arroyo’s administration had been settled to BIR as well.

“Sound professional management, high employee morale and focused vision on the PCSO mission are among the factors that made this happen. We are committed to P-Noy’s vision to transform the agency into a vital and effective arm for the welfare of the poor,” Margie said in her report.

Let us hope and pray that under Margie’s supervision, reforms for PCSO will continue for the betterment of the agency and continuous increase of sales from the three-online games for the agency to help more people in need of medical assistance.

Good job, I salute you MARGIE!
allvoices

Thursday, June 2, 2011

“IMAGINATIVE” FEES

I’m a product of both public and private schools from kinder to college. I finished elementary and high school education both on public school; then I take Computer Science course in a State University and Nursing in a private school for second coursers. During my college days, I still remember how much I pay for the miscellaneous fees in PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila); it’s less than a hundred bucks.

Yesterday, I was shocked when I heard on the news that there are private schools allegedly collecting payments from their students’ various kinds of miscellaneous fees such as resume printing fees, thesis proposal fees, band fees, stones and pebbles fees, spiritual development fees, publicity and promotions fees, affiliation fees, cultural fees and computerization fees. If you’re going to sum up all of these dubious, unreasonable fees, you can have another student enroll to college. This will burden our parents and the people who support our education apparently for unfathomable reasons.

Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino specifically cited the collection of some schools of band fee (University of Nueva Caceres), thesis proposal fee (St. Scholastica's College), thesis editing fee (St. Scholastica's College), resume printing (St. Scholastica's College), memorabilia fee (Polytechnic University of the Philippines), Pistang Pinoy fee (Letran), and communication fee (Central Luzon State University).

Palatino, who was joined by National Union of Students of the Philippines (NUSP) and the Student Council Alliance of the Philippines (SCAP), noted that there are colleges and universities that collect energy fees separate from aircon fees, and sports fees apart from athletic fees.

Aside from these, SCAP National Capital Region vice chairperson Ranulfo Javelosa III also revealed that there was a school in Isabela that collects a founder's day fee.

If you’re going to sum up all of these dubious, unreasonable fees, you can have another student enroll to college. This will burden our parents and the people who support our education apparently for unfathomable reasons.

There is really a need for Commission on Higher Education (CHED) to regulate tuition rates because this will definitely increase drop out rates. Actually, I’m not against the collection of miscellaneous fees but some of these fees are unreasonable. Some schools don't (even) provide a breakdown. There should be a cap on tuition or other fees, and they should draw up a uniform classification of miscellaneous fees that should be allowed.

We should always remember what Dr. Jose Rizal said, “Ang kabataan ang pag-asa ng ating Inang Bayan”, but this will remain a dream if we will not act to do something about their education. Like my mother will always remind me, “Ang iyong edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maiiwan ko sa’yo na kailanman ay hindi mananakaw ng sinuman, ito rin ang siya mong sandata saan ka man mapunta”.
allvoices

Wednesday, June 1, 2011

“BANGUS”: PHILIPPINE’S NATIONAL FISH – Is it over now?

It’s been a bad news for Filipino’s to learn that their favorite “Relyenong Bangus and Sinigang na Bangus sa Bayabas” will no longer be served, (for now, I hope so…), in their dining tables. Last week, shocking news came out in the provinces of Batangas and Pangasinan; a massive fish kill hit 5 towns and a city in Batangas and 2 towns in Pangasinan.

Actually, I don’t have any idea what fish kill is, or the reason why it happens and how it will affect our lives and nature. The term “fish kill” also known us fish die-off or fish mortality in Britain, is a localized die-off of fish populations which may also be associated with more generalized mortality of aquatic life.

According to Nestor Domenden, regional director of Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), said the sudden change in temperature due to heavy rains following warm days and the drop in the dissolved oxygen level in the water caused the fish kill. Domenden said the dissolved oxygen level in the Kakiputan Channel in Anda and Bolinao last Sunday was 0.9 milligrams per liter (mg/l), way below the 4 mg/l minimum level where fish could survive. Prestiliano Onzaga, fishery extension worker of the Anda town government, said some 50 tons of bangus cultured in fish cages in the Kakiputan Channel and in the waters off the villages of Awag and Narra in Anda turned belly up. Fred Garcia, fishery and agriculture management council officer of Bolinao town, said at least 50 fish cages in the villages of Culang and Catubig were also hit by the fish kill. Garcia said between 15 and 20 tons of bangus were killed in the town.

While in Batangas, BFAR explained that a sudden change in water temperature of a lake surrounding a restive volcano in the Philippines has killed more than 700 metric tons of fish. The bureau said 752 metric tons of milkfish and tilapia have been found floating in Taal Lake, which surrounds Taal Volcano, since Friday.

The volcano has been showing signs of heightened activity since April, when the Philippine Institute of Volcanology and Seismology raised its five-tiered alert level to two.

In its latest bulletin, the institute said it recorded 10 volcanic quakes in the past 24 hours and elevated carbon dioxide emissions that indicated magma was moving towards the surface.

The fish kill was then largely attributed to climate change that triggers the abnormal shift of temperatures within a very short time range.

Although there are some other factors that are being considered such as poisoning and sabotage but the observed sudden temperature change has the most likely acceptable explanation that the farmers would wanted to hear.

As of this writing, the farmers are hoping that the local government of the area and the Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) will join hands in helping them cope up with this tragic loss of livelihood most especially that enrollment period of their respective children will soon commence this first week of June.

Actually, my heart not only goes for the farmers but also to the fish vendors which we know for a fact that this is their bread and butter. I feel sad seeing their faces on Television having hard time convincing their customers to buy “bangus and tilapia” from them, even their all-time “suki” is afraid to try it. And we can not blame them because their also worried on the effects of eating dead fish. Consumers nowadays are intelligent enough to know what and where to buy their needs. Do we still remember when “Botcha”and Bird’s Flu came out and spread out in some wet markets in Manila, people had been aware and decided to look for the stamp or markings’ coming from BFAD to make sure it is safe to eat.

Last night when I watch “24 Oras” hosted by Mike Enriquez and Mel Tiangco, I learned that if we accidentally ate dead fish or “bangus” which have been harvest in the fish kill, will lead us to food poisoning, sterility and other stomach disorders. I haven’t heard of any fatal effect that might lead to death but I’m pretty much sure if children will be the one to ingest it, it may likely happen.

I love eating “bangus”, it’s my favorite especially the belly part, though it has a lot of fish bone too. I just wish everything will be back to normal. Let this be a lesson to all of us to take care of our environment, “Bangus” is our country’s pride and no other fish in the world can beat its unique and distinctive taste.
allvoices