Marikit

Marikit
Masdan mo ang aking karikitan

Wednesday, July 6, 2011

Civet Coffee

Civet Coffee
allvoices

Thursday, June 30, 2011

Isang Taon ni Pnoy:Aprub ba sa mga Pinoy?

“I told you before: you are my strength – the strength that comes from the successes that we are reaping now and the upcoming fulfillment of what we have been dreaming of. This will never change: you are still my boss” - PNoy
Ipinagdiwang kahapon ang ika-isang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino Jr. sa PhilSports Arena sa lungsod ng Pasig. Ayon sa Pangulo ngayon ay nagsisimula na tayong umani dahil sa mahusay na pamamahala o sa tinatawag niyang “Daang Matuwid”,tunay nga ba?
Sa pagtapak ng Pangulo sa unang anibersaryo ng panunungkulan ay ini¬lunsad nito ang “Pilipinas Natin” campaign na kinapapalooban ng Philippine Development Plan (PDP) para sa taong 2011-2016. Layunin nito na paigtingin ang Private-Public Partnership sa ating bansa.
Ang PDP ay batay sa social contract sa taumbayan na nagsisilbing kanyang campaign platform at nagpapatibay ng kanyang pag-upo bilang Pangulo ng ating bansa at maitaguyod ang inaasam na pagbabago ng taumbayan.
Isa rin itong road map at comprehensive program of action na binuo makaraan ang malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa mga stakeholders para ang mga hangarin at pangarap ng mga Filipino ay maabot at matupad.
Sa nasabing pagdiriwang, dinaluhan ito ng kanyang mga kaalyado at supporters ng administrasyon particular ang sektor ng mga kabataan. Nangako rin siya na bago matapos ang taong 2013, ang Pilipinas ay hindi na mag-aangkat ng bigas sa ibang bansa. Magkakaloob din ng 4,000 pabahay sa mga sundalo at pulis sa mga susunod na araw at isang seremonya ang gaganapin dahil umabot na sa 2 milyon ang beneficiaries ng programang “Pantawid Pamilya” ng kanyang administrasyon.
“Kailangang magtulu¬ngan, alam ko ang pinanggalingan ninyo. Ako man ay nangangarap na bukas ay magigising na may solusyon na. Pero walang mabilisan, ang kailangan ay mainam, at pangmatagalan. Gusto ko nga po ay tumulin nang tumulin ang pagbabago,” ani Aquino sa kanyang talumpati
Kaya hinihikayat ni PNoy ang buong sambayanang Pilipino na makipatulungan at suportahan ang kanyang mga programa at adhikain dahil hindi niya kayang mag-isa, hindi magiging matagumpay ang kanyang mga plano kung walang taong tutulong at makikiisa. Hindi magiging matagumpay ang kanyang mga reporma kung ang mga empleyado ng gobyerno at ang sambayanan ay magwawalang bahala at kulang ang suporta sa kabuuan.
Samantala, naging sentro rin ng pagdiriwang at naging bida sa kanyang seremonya si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo na minaliit at inalipusta ang kanyang liderato nitong mga nagdaaang araw.
“Ito ay mga minana lang po natin mula kay Gng. Arroyo... ang sistemang nilapastangan. Magpapaloko pa ba tayo? Hindi na ako magsasayang ng panahon, hindi na ako makikipagba¬ngayan. Sabi niya magkaiba po kami, sa wakas, nagkasundo po kami, talagang magkabaligtad po kami… Hindi ko po kayo masisisi na dumaan kayo sa isang dekada ng katiwalian,” ilan sa mga banat ni Aquino kay Arroyo.
Muli rin nitong ipi¬namukha ang record-breaking na utang ng bansa na ipinamana sa kanya ng Arroyo administration at ang mga kuwestiyonableng sistema at paglabas ng pondo sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng National Food Authority, Philippine Charity Sweepstakes Office at iba pa.
Ininda rin ni Aquino ang walang-habas umano na pagbakbak sa kanya ng kanyang mga kritiko sa pagbibirong sana ay naging “manananggal” na lamang siya para mahati ang katawan at mapagbigyan ang “sala sa init-sala sa lamig” na trip ng mga ito.
Ang Administrasyong Aquino ay taas-noong nagmamalaki na mataas ang porsiyento ng kanilang natitipid sa paggasta at ang mahigpit na pamamalakad sa lahat ng aspeto. Ngayon na ang panahon para isiwalat at ilantad sa publiko ang mga iregularidad at bulok na mga opisyal sa pamahalaan dahil ito ang magiging susi para mas makalikom at makatipid dahil mawawala na ang mga kurakot at ganid na opisyal. Sa ganitong paraan, ang pamahalaan ay magagawang i-save ang pera at mag-ukol ang mga ito sa panlipunan proyekto.
Nawa’y maging matagumpay ang lahat ng plano at kampanya ni PNoy para sa ating bansa. Kaisa mo ako sa iyong layunin at alam ko na ang lahat ng ito’y hindi maisasakatuparan kung walang basbas n gating Maykapal. Sama-sama tayo mga kababayan ko at ating tulungan maiangat ang ekonomiya ng ating bansa sa tulong ni PNoy- an gating Pangulo. Mabuhay ka PNoy!
allvoices

Wednesday, June 29, 2011

BLIND ITEM: SENADOR, MAHILIG MAG-HIDE N’ SEEK SA MEDIA, NATUTULOG PALA!

Kung sa larong ‘hide and seek’ lang ang pag-uusapan, wala ng tatalo sa isang senador na talaga naming mahusay sa taguan.
Imbiyernang-imbiyerna na ang mga taga-media dahil hirap na hirap na silang ma-interview ang naturang senador lalo pa’t kailangan ang kanyang panig. Ang siste mo pa, natutulog lang pala ito sa kanyang opisina.
Ayon sa ating bubuyog, malimit na sasabihin ng mga staff na wala ang naturang senador sa kanyang opisina subalit makikita na labas-pasok ang kanyang mga bisita.
Dahil nag-iinarte ang naturang senador, madalas siyang binoboykot ng mga Senate media dahil sa ginawang pagtatago nito sa kanila.
At kung interbyuhin man siya ng mga reporters, eh wala ring makuhang magandang quote sa kanya dahil masyadong mababa ang kanyang mga opinyon.

Pintahan n’yo na: Maganda ang komiteng hinahawakan nito sa Senado pero hilaw pa sa pag-preside ng mga pagdinig. May letrang F ito sa kanyang pangalan.

allvoices

A Tribute to a People’s Princess

I'd like people to think of me as someone who care about them,” one of my favorite lines from Princess Diana, one of the most adored members of the British royal family.
She was born on July 1, 1961 and this would be her golden birthday today if the accident didn’t happen last August 31, 1997. She was the daughter of Edward John Spencer and Frances Ruth Burke. Although she was known for her shyness growing up, she showed interest in music and dancing. She had a great fondness for children and may be the reason why she becomes a kindergarten teacher at the Young England School after she finished her degree.
She was no stranger to the British royal family, having acquainted with Prince Andrew and Prince Edward during their childhood years when her family rented Park House, an estate owned by Queen Elizabeth II. She became reacquainted with their older brother, Prince Charles in 1977 who was 13 years her senior.
As heir to the British throne, Prince Charles had been the subject of the media attention that even his courtship to Diana was no exception. The press and the public were fascinated by this seemingly odd couple — the reserved, garden-loving prince and the shy young woman with an interest in fashion and popular culture. When the couple married on July 29, 1981, the ceremony was broadcast on television around the world, with millions of people tuning in to see what many considered to be the wedding of the century.
They were blessed with two children, on June 21, 1982, Prince William Arthur Philip Louis was born and he was joined by his brother, Prince Henry Charles Albert David on September 15, 1984. Committed to perform both her responsibilities to her family and royal duties, she was overwhelmed by the intense media coverage of every aspect of her life. She also began to develop and pursue her own interests. She supported a lot of charitable institutions and worked to help the homeless, people with HIV/AIDS and most especially children in need, either victim of abuse, poor nutrition and poverty.
Unfortunately, the fairy tale wedding of Princess Diana and Prince Charles did not lead to a happily-ever-after marriage. The two became estranged over the years, and there were reports of infidelities from both parties. During their union, Diana struggled with depression and bulimia. The couple's separation was announced in December 1992 and the divorce was finalized in 1996.
Even after the divorce, she maintained her level of popularity. She devoted her life to her sons, continued helping charitable institutions and begins the battle against the use of land mines. She even uses her popularity to increase the awareness about this issue. As she continues doing noble things, negative aspects of her fame also increases. Her romance with Dodi Al-Fayed made a great impact and created media frenzy. The car accident happen in 1997 in Paris was an escape from the paparazzi. The role of the media especially the paparazzi was scrutinized in this tragedy. She initially survived the crash but later succumbed to her injuries a few hours later.
News of her sudden, senseless death shocked the world. Thousands turned out to pay tribute to the "people's princess" during her funeral procession. The funeral was held at Westminster Abbey, which was broadcast on television. I was watching that day and I can’t help myself but cry. She’s a gem, a priceless treasure that inspired a lot of people. What she did to us is unremarkable and it will remain in our hearts. The good thing with her sons, they established after her death is a foundation – Diana, Princess of Wales Memorial Fund, it provides grants to numerous organizations and supports initiatives to provide care to sick in Africa, help refugees, and stop the use of land mines.
I hope her story would inspire others, especially those working in the government to uplift the life of poor and sick. If Princess Diana made it, we could also do it. We should understand people’s suffering and pain more than ourselves. We should only do what our heart tells, just like Princess Diana.
To you our People Princess, Happy 50th Birthday!
allvoices

Tuesday, June 28, 2011

Jose Antonio Vargas: SINNER OR SAINT?


“Being ambitious isn’t about loving what you do. That’s passion. Ambition is never having it be good enough.”
There’s a question that lingers in my mind, did Jose Antonio Vargas, our “kababayan” from US of A made us proud after winning together with his team the Pulitzer award?
After reading his story, I know from the bottom of my heart that I’m proud of him. What he is right now is a product of blood and sweat plus prayers of course. What he is right now is someone that would inspire anybody to pursue his dream. What he is right now is something that the gay community would be proud of.
He grew up with his family in the busy streets in San Francisco Bay area, and he was 16 years old when he knew he was an illegal immigrant when he’s applying for a driver’s license and he’s green card was fake. But that didn’t stop him from pursuing his dream. He believe that if he will work and study harder and tell to the world he has all the reason to stay in America – he will be rewarded a citizenship.
With the help of friends and family he was able to work as a reporter to various companies and at the same finish schooling with flying colors. Although happy, he’s still constantly looking over his shoulder, afraid his status as an illegal immigrant will be discovered. What I admire of him is that he’s a strong and well-focused man. Aside from his citizenship, there’s another secret he kept for many years – his sexuality. He had known he was gay for several years but coming out seemed less daunting than coming out about his legal status. He was also inspired by the movie “Milk,” starred by Sean Penn, who portrays Harvey Milk, an openly gay San Francisco city official who was assassinated.
After a thorough self-analysis, he decided to come out, both his sexuality and his legal status. With the help of network of support and friends, he started to work with immigration lawyers. But despite having helped from his friends and mentors, and despite the success he had achieved, he felt that he could no longer keep going on with his lies.
"I learned that no amount of professional success would solve my problem or ease the sense of loss and displacement I felt."
He shared his story to a group called Dream ACT- Development, Relief and Education for Alien Minors, to encourage support. This is a bill that will allow youth to apply for permanent legal residency. He has also founded Define American, an organization that aims to bring "new voices into the immigration conversation." Define American encourages dialogue about the American immigration system, which, it says, needs fixing.He said that there are millions of people in the US who were just like him.
"We don't just mow your lawn, we don't just serve you tacos, but we do other things, and we are a part of this society.”
"In my heart, I am an American," he said.



allvoices

“BAGYONG GLORING”


Ang buwan ng Hunyo ang hudyat ng muling pagbubukas ng klase at kasabay nito ang pagbuhos ng bagyo. Tulad ng tropical na klima ng Pilipinas, ito ang buwan ng pagdagsa ng malalakas na bagyo.
“Gloring”- mula sa dalawang pangalan, Gloria at Manoling isang bagyong namumuo na tatama ng napakalakas sa Pilipinas kung hindi maagapan tiyak na masisira ng tuluyan ang ekonomiya ng ating bansa. Isang napakalakas na bagyong may bilis na di kayang sukatin at may pabugso-bugsong talsik ng mga maling impormasyon na tila kalawang na sisira sa lehislatura at hudikatura ng ating bansa.
Nitong mga nakalipas na mga araw muling umalingasaw ang mga nakatagong lihim sa dating pamunuan ng PCSO. Ngunit bago pa man ito nangyari, nagsalita at binatikos ni dating Pangulong Arroyo ang kasalukuyang administrasyon. Noong Huwebes, nagpa-press conference si Arroyo. Yan ang unang-una niyang press conference mula nang bumaba siya sa Malacañang, mag-isang taon na ang nakalipas. Sa Kongreso kung saan kinatawan siya ng pangalawang distrito ng Pampanga, mailap siya sa media. Makikita mo sa TV, taas noo na parang emperatris yan kapag pumasok sa session hall. Ayun sa mga report, nagbabala daw si Arroyo sa mga panganib sa ekonomiya dahil sa palpak na pamamahala ni Aquino ng bayan. Ginamit niya ang sinabi ng isang columnist tungkol kay Aquino: “nobody’s home.”
Alam naman natin na ang “nobody’s home” ay sinasabi sa isang taong bobo.
Ikinumpara niya ang pagkakaiba ng Pilipinas noon at ngayon base sa kani-kanilang pamamalakad. Ngunit ang malaking katanungan dito, ano ba ang buhay natin noon? Hindi ba’t nalugmok ang ating ekonomiya at pamumuhay noong kanyang administrasyon. Ang kriminalidad at kurapsyon sa ating gobyerno ay lumobo tulad ng paglobo ng ating populasyon.
Kaalinsabay nito, muli naman nagsalita si Ka Manoling ng masangkot siya sa mga anomalya sa PCSO na nangyari noong administrasyong Arroyo at siya ang kasalukuyang namamahala ng ahensiya noon. Hindi kakikitaan ng tapang at sinseridad ang kanyang mga paliwanag bagkus takot at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Mariin niyang tinatanggi ang mga bintang sa kanya at ayaw na niyang magpaliwanag pa. Ang gusto niyang mangyari ay magharap sa korte para maging pormal at legal ang lahat na siya naman ginagawa ngayon ni Margie Juico sapagkat sasampahan ng kaso ang mga tiwaling opisyal ng PCSO na naging dahilan kung bakit umakyat ng P4 bilyon ang pagkakautang ng ahensya. Ayon sa report ng Inquirer, sinabi ni PCSO chairperson Margaria Juico, na umaabot sa P4 na bil¬yon ang utang ng ahensya na akala natin ay lumalangoy sa pera. Ang malaki raw na pinagkakagastusan ng PCSO nang panahon ni Arroyo ay mga anunsyo.
Wala namang kumpetensya ang PCSO, bakit malaki ang budget sa anunsyo?
Hindi na nakapagtataka kung bakit kahit anong pandaraya, kurakutan at pagbaluktot ng batas na ginawa ni Gloria Arroyo, mabango pa rin siya sa ibang miyembo ng media, suportado siya ng ilang obispo at hindi natitinag ang suporta ng ilang congressman. Busog pala sila ng pera galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Busog sila sa pera ng taumbayan at para sana sa mahihirap nating kababayan.
Gusto ko sanang liwanagin na ang PCSO ay itinatag upang makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan nating kababayan na hindi kayang magpagamot at magpaopera. Ito rin ay tumutulong sa mga programa ng gobyerno para sa edukasyon at nutrisyon ng mga kabataan. Ayun sa charter ng PCSO, 55 na porsiyento ng kanilang kita na umabot ng P29.5 bilyon noong isang taon, ay dapat ilalaan sa mga premyo. Ang 30 porsiyento ay sa charity o kawang-gaw at 15 porsiyento ay sa operating funds.
Ayon sa ating bubuyog, pagkatapos maubos ang operational expenses ng PCSO board noong panahon ni Arroyo ay nagamit at nawaldas pati ang charity funds na may alam ako na may mga medyo may kaya na nakakuha ng assistance sa PCSO dahil kilala nila ang mga opisyal doon noong panahon ni Arroyo. Kung mahirap ka at wala kang kakilala, talagang mamumuti ang mata mo roon sa kakapila.

Sabi ni Juico, sa public relations lang umabot sa P1 bilyon ang ginastos ng PCSO samantalang P900 milyon lang ang limit sa PR expenses. Ang isa sa kanilang pinagkagastusan ay ang P1.5 bilyon na kontrata ni Carlo J. Caparas na kailangan daw bayaran ng PCSO dahil kinampihan si Caparas ng Office of the Govern¬ment Corporate Counsel. Itong si Caparas ang ginawa ni Arroyo na National Artist for Film and Visual Arts na pinagpuprotesta ng mga nasa pelikula at sining dahil hindi naman kahanga-hanga ang kanyang mga pelikula.

Maliban sa media, ma¬raming mga pari rin daw ang nabigyan ng mga donasyon at Pajero. Busog din ang mga congressman na dikit kay Arroyo katulad ni Quezon Rep. Danilo Suarez na nakatanggap ng P53 milyon para raw sa ospital sa Quezon. Sabi ni Suarez binigay raw niya ang pera sa ospital. Bakit dinaan sa kanya? Bakit hindi dineretso sa ospital?Si Suarez ang umamin na siya ang nagbayad sa kinain nila sa Le Cirque, ang mahal na restaurant sa New York kung saan dinala ni Arroyo ang Philippine delegation nang nakipagkita siya kay President Obama.

Kung ating susuriin ang ating mga bida sa blog kong ito, iisa lang ang ating konklusyon- Sila ang mga taong nagkamal ng salapi, Sila ang mahilig magkuwestiyon at magparatang,Sila ang tingin sa sarili’y PANGINOON. Huwag natin kalimutan ang kasabihang, “Bago mo salaminin at pahirin ang putik ng iba, harapin mo muna at saliminin ang sarili mong putik, ” at ang pamosong linya ng ating Panginoong Hesus, “ Kung sino man sa inyo ang walang bahid dungis o putik, siya ang unang mamukol ng bato sa babaeng makasalanan”. Ang pulitika ay sadyang marumi at mapaglaro. Isang tukso na ultimo ang Simbahang Katoliko ay nadedemonyong magtampisaw at makisalo. Ang buhay na binigay sa atin ng Maykapal ay pinahiram lamang, sana maging makabuluhan at kapaki-pakinabang hindi lamang sa ating sarili at pamilya bagkus sa ating kapwa, kababayan lalo na sa ating Inang Bayan.






allvoices

Monday, June 27, 2011

SMOKING killed the President’s Daughter…

Nagulat at nabigla ang samabayanang Pilipinas sa biglaang pagkamatay ng pangalawang anak ni dating Pangulong FVR (Fidel V. Ramos) na si Josephine “Jo Martinez Ramos sa sakit na Lung Cancer noong lunes, Hunyo 27, sa ganap na ala-una ng madaling-araw sa The Medical City sa lungsod ng Pasig.. Ayon sa balita, inilihim diumano ni Jo ang kanyang tunay na karamdaman sa kanyang pamilya kaya huli na ang lahat at humantong sa kanyang kamatayan. Inakala ni FVR na isang simpleng asthma lang ang sakit ng anak, dumaan pa diumano sa isang maselang operasyon ngunit hindi ito naging matagumpay.

Ipinanganak si Jo noong Enero 18, 1957, pangalawa sa limang anak nina dating Pangulong FVR at Ming Ramos. Musika at Isports ang kanyang nakahiligan, nag-aral siya sa U.P. College of Fine Arts at sumali sa iba’t ibang workshops sa sayaw at musika sa Estados Unidos. Dati siyang back-up singer ni Gary V. at Mon Faustino, nakapagtangghal na rin siya sa iba’t ibang lugar dito at sa ibang bansa. Miyembro siya ng RP Ladies National Water Skiing Team na nagkamit ng mga medalya at karangalan para sa ating bansa noong dekada ’70.

Ikinasal si Jo sa aktor na si Lloyd Samartino noong 1993 at nagtagal lamang ng isang taon ang kanilang pagsasama at biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na disisyete anyos na ngayon. Nagmana sa kanyang ina, mahilig din sa musika at isports ang binatilyo na nasa huling taon na sa high school.
Unang nagpaabot ng kanyang pakikiramay ay ang ating Pangulong PNoy na lubos na nanghihinayang sa kung ano pa mga magagawa ni Jo para sa ikauunlad ng ating sining at kultura.
“Ms. Ramos’ love for, and accomplishments, in music, was testimony to the mus“ical passion she shared with her mother; and in athletics, she participated in the national team that gained distinction for the country in the SEA Games in the 1970s,” pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino.
"The loss of any loved one is grave, indeed; the demise of a child is particularly painful for parents. The President assures former President and Mrs. Ramos that he will keep their entire family in his thoughts and prayers at this time of deep loss," dugtong pa ng ating Pangulo.
Marami sa mga naunang bumisita ay sina Rep. Golez, Rep. Sonny Belmonte na ninong nila sa kasal, mga iba pang pulitiko at kamag-anak.
Bunsod sa kaganapang ito, muli ang publiko ay pina-aalalahanan sa paninigarilyo. May mga mambabatas na gustong buksan ang batas na sumasailalim dito para maiwasan ang mga sakit na dulot nito tulad ng Lung cancer, trachea or bronchitis, asthma, pagka-baog o sterility at iba pang karamdaman na makukuha sa paninigarilyo. Dapat din paigtingin ang batas na nagbabawal na manigarilyo sa mga publikong lugar kung saan maraming mamamayan ang nakakasagap ng usok nito at pinaniniwalaan pang mas masama ang epekto nito sa mga taong hindi naman naninigarilyo subalit nakakalanghap ng tinatawag nating “second-hand smoke”.

“A cigarette is the only consumer product which when used as directed kills its consumer,” ang buhay natin ay iisa lang, matuto tayong pahalagahan ito at umiwas sa mga bagay na makakasama sa ating katawan. Bago pa mahuli ang lahat, magbago na tayo.
allvoices