Marikit

Marikit
Masdan mo ang aking karikitan

Sunday, May 22, 2011

Margie Juico, humarap sa salamin ni Boy Abunda!

Noong nakaraang Sabado, Mayo 22, 2011,  matapang at kalmadong  humarap sa kamera si Margarita “Margie” Penson Juico sa pamamagitan ng isang panayam kay Boy Abunda upang linawin ang kabila-kabilang kontrobersya na ibinabato sa kanya at sa PCSO. Itong mga kontrobersya na ikinabit sa pangalan niya ay mula kay dating PCSO chairman Manuel “ Manoling” Morato.

Sa panayam,  hindi lamang ang usapin ng pamamalakad ng kagawaran ang tinalakay, kundi maging ang nakaraan niyang pagsisilbi sa dating Pangulong Corazon Aquino.

Kaisa ng kanyang mga “bottomliners”, hinimay ni Boy Abunda ang mga akusasyon na kinulapol sa pagkatao ng bagong Chairperson ng PCSO.

Kung ating susuriin ang buong programa, makikita natin na buong tapang na sinagot ni Margie Juico ang mga akusasyon ni Manoling Morato. Mula sa pondo ng PCSO hanggang sa pati ang pagdamay ni Manoling sa kanyang mga kaanak.

Mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ang kinuhang bisita ni Boy Abunda para maging katulong niya sa pagbuo ng mga katanungan na magbibigay linaw sa isipan ng mga manunuod pati ng sambayanang Pilipino.

Kung ako ang tatanungin kulang ang oras at minutong inilaan ng programang The Bottomline para mas lalo nating maintindihan ang puno’t dulo ng mga akusasyong ito, ngunit nakakatuwa rin na may ganitong klase ng programang makakatulong sa atin para malaman ang katotohanan bumabalot sa mga personalidad sa ating bansa.

Maaring sabihing biased ako, o may kinakampihan ang aking tinig, subalit, datapwat, ito ay base sa aking personal na opinyon at walang bahid ng kasinungalingan. Kung ano man ang lumabas sa aking tinig ay aking pinaninindigan.

Maari rin sabihin na ang aking pananaw ay hinango ko sa perspektibo ng sekswalidad, na mas naiintindihan ko ang panig ni Margie dahil kapwa kami isip-babae at napakahirap sa isang babae ang gumawa ng mga bagay na maaring ika-dungis ng kanyang puri at dangal.

Ngunit di din kaya dapat ay kampihan ko si Manoling Morato dahil sa pareho kaming binabae? Naiintindihan ko rin naman si Morato dahil sa totoo lang, ang lahat ng ginagawa ngayon ni Morato ay talagang gawain ng isang baklang tulad ko, na naiinggit, nasusuya at tumatanda.

Mahirap para kay Manoling Morato na tanggapin na si Margie Juico ay isang maganda at marangal na babae. Dahil ang ipinanganak na bakla, mamamatay na bakla.

Maanghang para kay Manoling Morato na kilalanin na matagumpay si Margie Juico. Hindi katulad niya na walang ibang nagawa kundi mang-away at mag-maldita.

Masakit para kay Manoling Morato na aminin na mabuti pa si Margie Juico dahil sya ay isang ganap na babae … may asawang nagmamahal at mga anak na sumusuporta. Sapagkat maski papano natin isipin, hinding-hindi maaabot ni Manoling Morato ang ganito.

Sa usaping Morato laban kay Juico, hindi ako maaaring pumanig kay Manoling dahilan lamang sa pareho kami ng sekswalidad.

Sa usaping Juico laban kay Morato, hindi ako maaring pumanig kay Margie dahilan lamang sa maganda sya.

Hindi.

Doon ako sa nakikita kong tama.

Yun na nga lang Manoling, kahit na pinag-pipitagan ka naming mga bading dahil sa tumanda kang bakla na, mayaman pa, mukhang wala ka sa tama.

Alam na ninyo ngayon kung saan ako.

Salamat.
allvoices

No comments:

Post a Comment