Marikit

Marikit
Masdan mo ang aking karikitan

Monday, May 23, 2011

Los Que Piensan Que Se Quedarán Famoso y Rico: Unang Yugto


“Ang buhay ay maihahalintulad sa gulong, paikot-ikot, minsan nalulubak, minsan sumisingaw at nawawalan ng hangin…

Marami ng nasilaw sa kinang ng pera at popularidad sa pinilakang tabing, may mga nagtagumpay ngunit mas marami ang tuluyang nalugmok sa kumunoy…”

Jiro Manio – “Jeriko Alumbres Manio”  sa tunay na buhay, nakilala sa pelikulang “Magnifico” na nagbigay sa kanya ng mga  acting awards at nagbigay sa kanya ng daan para makilala sa larangan ng showbusiness.  Magaling na artista subalit unti-unting pumusyaw ang kinang ng kanyang bituin dahil sa bisyo at problema sa pamilya. Maagang naging ama, nawala sa sirkulasyon ng showbiz at ngayon ang pagkagumon sa pinagbabawal na gamot.


Cita Astals -  Dating aktres, Konsehala sa ikalimang distrito ng Maynila at ngayon ay “ nawawala” sa kanyang sarili. Diumano’y nakikita siyang naglalakad at nagsasalita ng mag-isa ayon sa kanyang kaibigang si Teresa Obias. Ayon sa mga eksperto, “neurosis” o isang sakit sa pag-iisip na nagdudulot para ang isang tao ay makaramdam ng “hallucinations” o “delusion”. Marami ang nagsasabi na ang nangyaring ito sa aktres ay dulot ng sobrang stress at may nagsasabi dahil umano sa panggigipit ng isang sindikato tungkol sa usapin ng “land grabbing”. Ngunit ang nakakapagtaka ay kung bakit ibang tao pa ang nagmamalasakit s kanya tulad na lang ni Konsehal Lou Veloso na lumapit pa sa programang Wish Ko Lang para matulungan si Cita. Hindi kaya may katotohanan na “karma” ang nangyaring ito sa aktres-pulitiko dahil sa pagiging mapagmataas nito?

Abangan ang susunod..
allvoices

No comments:

Post a Comment