Marikit

Marikit
Masdan mo ang aking karikitan

Monday, May 23, 2011

Lo Pasado, Pasado Está (Let bygones be bygones)

Sa nakaraang celebrasyon na inihanda ni Gov. Chavit Singson para sa pagkapanalo ni “Pambansang Kamao” Kongresman Manny Pacquiao laban kay Sugar Shane Mosley ay nagmistula itong “United Nation Assembly” dahil sa mga kontrobersyal na personalidad na dumalo.

Ginanap ang nasabing okasyon noong linggo sa clubhouse ng Corinthian Gardens na dinaluhan ng mga kilalang pulitiko, ambassador at mga artista.

Isa sa mga  panauhin ay ang Dating Pangulong Joseph Estrada na nakitang masayang nakikipag-usap sa kanyang malapit na kaibigan na si Gov. Chavit Singson na siyang tinuturong dahilan ng kanyang pagkakasibak sa pwesto at pagkakakulong sa isyung plunder. Mahihinuha sa kanilang pag-uusap na magkasundo na ang dalawa at hindi pala ito ang unang beses na nagkatabi sila bagkus nung birthday pa ng butihing ina ni Pacman. Dito muling narinig ang pamosong linyang “ Let bygones be bygones”.

Nakita rin sa nasabing okasyon ang Dating First Lady Imelda Marcos at anak na si Rep. Imee Marcos, VP Jejomar Binay, mga ambassador mula sa ibat’ ibang panig ng mundo at mga kilalang artista sa pamumuno ni Annabelle Rama na katulong sa paghahanda ni Singson.

Makikita sa okasyong ito na walang mayaman o mahirap, masisilayan ang mga nagagandahang ngiti at maririnig mo ang kakaibang musika ng halakhakan galing sa mga bisita lalo na sa mga tagahanga ni Pacman na walang kapaguran sa pagpapa-picture at kakapirma ng autograph.

Muli napatunayan na naman natin na sadyang walang permanenteng magkaibigan at magkaaway  lalo na sa larangan ng pulitika. Dapat na marunong tayong sumabay sa agos at ihip ng hangin…

Naisip ko tuloy ... mangyari din kaya kay Margie Juico at Manoling Morato na magkita sa isang okasyon at mag-beso-beso?

Hindi kaya bumuka ang lupa at kainin si Morato?

Santissima ! Que Horror!!!




allvoices

No comments:

Post a Comment