Marikit

Marikit
Masdan mo ang aking karikitan

Thursday, May 19, 2011

Ang Sinapit ng Kapatid Ko!

Nung July 16, 1990, ayon sa kwento ng eldest sister ko which at that time she was a grade six student, nayanig at natrauma ang pagkatao niya…

Saktong palabas na siya ng Library ng Mataas na Paaralan na kanyang pinapasukan at tandang tanda pa niya na ang oras noon, alas kwarto y’ medya ng hapon..

Tapos na siyang gumawa ng research at nagliligpit ng kanyang mga gamit ng biglang namatay ang ilaw, akala niya brownout lang, subalit, datapwa’t nakaramdam siya ng pagkahilo. Akala niya gutom lang ngunit palakas ng palakas ang yanig,.,

Lumilindol! Ang siyang tumimo sa kanyang utak. Isang napakalakas na lindol. Sa takot niya bigla siyang nag ala-Lydia De Vega, kumaripas ng takbo at iniwan ang kanyang mga gamit. Hindi alintana ang pagod at sakit na nararamdaman sa kanyang binti. Ang nagsusumiksik sa kanyang isipan ang makaligtas. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon biglang my tumama sa kanyang ulo at biglang dumilim ang lahat para sa kanya….

Isang malakas na hiyawan ang nagpabalik ng kanyang alaala, lahat ay umiiyak, lahat ay magkahalong tuwa’t lungkot na mababanaag sa kanilang mga mukha. Nasa hospital nap la siya. Isang kahoy ang tumama sa kanyang ulo at ilang araw na na nanalangin kaming pamilya na siya ay magising…

Salamat sa Diyos, nabuhay ako… Pagkatapos ng ilang araw at umuwi na siya, nanghilakbot siya ng malamang halos limang libong tao ang  namatay at nasugatan, halos tatlong libong kabahayan at inprastraktura ang nasira…

Ngunit ang lubos na kinalulungkot niya at iniluha niya ay ang pagguho ng ilang bahagi ng aming pinakamamahal naming paaralan…Marupok na ang ibang bahagi at halos wala ng natira rito….

Eto ang maaring mangyari sa Quezon Institute o QI, ilang libong mamamayan, bata o matanda na may mga malubhang karamdaman ang kailangan magbuwis ng buhay kung hindi ito ililipat at gagawan ng kaukulang hakbang?

Kailan pa kung huli na ba ang lahat?

Naisip mo ba to Ka  Manoling?

Sagot!!!
allvoices

No comments:

Post a Comment